Nene patay sa pagtawid sa kalsada

NASAWI habang ginagamot sa pagamutan ang isang batang babae makaraang mabundol ng sasakyan habang tumawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. San Miguel, Bayan ng Silang, Cavite.

Ang biktima na kinilala ng pulisya ay si Katherine Tolentineo, 9-anyos, estudyante at residente ng Jumayao Brgy. Langkaan II, Dasmarinas City.

Nadakip naman ang suspek na nakilalang si Altair Ocampo, 23-anyos, at nakatira sa Blk. 1, Lot 19, No. 7 Heigh st., Seamens Village, ng nasabing probinsiya.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Jose Cresencio Ilano, dakong alas-2:20 ng hapon ay minamaneho ng suspek ang isang Isuzu Fuego Double Cab na may plakang WMC-982 at  binabaybay ang naturang lugar.

Bigla tumawid ang biktima at kahit nagpreno si Ocampo ay inabot pa rin ng sasakyan ang bata kaya agad na humagis ito at tumama ang ulo sa semento.

Mabilis na binuhat ng suspek ang biktima at dinala sa Asia Medic Family Hospital subalit habang ginagamot ay binawian na rin ito ng buhay.

Kasalukuyang nakapiit sa Silang BJMP ng Silang ang suspek habang inaayos pa ang kaukulang kasong isasampa laban dito. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply