NLEX sasama sa SLEX sa toll hike? Bakit?

NAKAPIPIKA ang nagaganap sa mga araw na ito.

Eh sino ba naman ang hindi mapipika kung puro pahirap na lang sa mamamayan ang ating naririnig?

Halimbawa, hindi ba magtataas ang South Luzon Expressway ng toll ng mahigit sa 200 porsiyento?

Ngayon naman ay gusto ng North Luzon Expressway na magtaas din ng toll sa buwan ng Enero 2011.

Para nang nasa bunganga ng mga buwaya sa kanilang likod at harapan ang mamamayang motorista, pasahero at negosyante.

Nakapipikon talaga lalo na kung pakinggan ang kuwento ng mga nakaaalam sa negosyong highway.

Tingnan ninyo ang sinasabi ng dalawang gobernador sa Bulacan at Albay.

Parehas ang sinasabi nina Bulacan Gov. Willie Alvarado at Albay Gov. Joey Salceda na pawang tubong lugaw meron ang mga kompanya na may kontrol sa dalawang highway ng ito.

Sabi nila, sa loob lang ng tatlo hanggang limang taon, bawi na ang SLEX at NLEX  sa kanilang mga puhunan.

Eh magkano ang kinakamal na salapi ang mga kompanya sa 30 taong prangkisa na ibinibigay sa kanila ng mga awtoridad?

Magkano, kung meron man, ang parte ng mga tarantadong nag-aapruba ng mga prangkisa?

Hindi man lang iniintindi, mga Bro, ang hirap na dinaranas ng lahat ng mga motorista, pasahero at negosyante.

Mahal na Pangulong PNoy, what’s happening to our country?

Yang mga highway na yan yata ay hindi matutuwid kundi liko-likong daan?

Tingnan ninyo, may nakaamba nang mga magwewelga na posibleng ikapaparalisa ng mga transportasyon.

HULIDAP SA CITY HALL

Pakitalakay naman po ang kabulastugan ng mga pulis sa pangunguna ni Zapata at mga kasamahan niya sa Manila City hall dahil nanghuhuli sila ng mga driver at kinukuha ang mga lisensya, kahit hindi sila  nakauniporme. di ba bawal po yun?      0909221

IIRC MEMBERS DAPAT MAGBITIW

Kundi kaya ng mga IIRC team na ipakulong ang mga pinakakasuhan nila sa hostage drama, ay magbitiw na silang lahat. Panindigan  nila at pinaghirapan nilang report, nanonood kami sa hahantungan ng report. 0919941
oOo
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.
Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply