Nobyo, utol iginapos; Bebot sa dilim binarurot

LEGAZPI CITY-Sinamanta-la ng isang lalaki ang big-laang kadiliman dulot ng brownout nang hilahin nito ang naglalakad na da-laga kasama ang nobyo at kapatid nito at inilugso ang puri, ayon sa ulat ka-hapon.

Nagawa mang halayin ang biktima na itinago sa pangalang “Nancy” ay naa-resto naman ang suspek na si Rodel Millena Malagueno, 33 anyos, ng Barangay Dara-ga, Albay.

Batay sa ulat ng pulisya, pauwi na ang biktima mula sa kabayanan at habang nag-lalakad ito kasama ang kasintahan at kapatid, biglang bu-muhos ang malakas na ulan kasunod ang pagkamatay ng mga ilaw sa daan.

Sinamantala ito ng sus-pek na pinaniniwalaang may iba pang kasama kaya na-hablot nito ang dalaga at inila-yo sa nobyo at kapatid saka hinalay. Walang nagawa ang kasintahan at kapatid ng bik-tima na umano’y parehong naigapos.
Ang suspek na na-haharap ngayon sa kasong rape ay dati na umanong nakulong sa iba’t ibang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply