OFW pa sinibak sa HK

IBINULGAR kahapon ng Migrante International  na may isa pang Pinay domestic helper sa Hongkong ang tinanggal sa trabaho ng amo nito, bukod pa sa naunang dalawang Filipina, dahil sa naganap na hostage crisis sa Quirino Grandstand sa Maynila, noong Agosto 23, taong kasalukuyan.

Sa pagdalo ni  Gary Martinez,secretary general ng Migrante International sa lingguhang forum sa Tinapayan sa Dapitan, hindi muna pinangalanan ang nabanggit na babae dahil hinahahan pa nila ito sa Hongkong.

Sinabi ni Martinez, na nakararanas pa rin ng panlilibak sa mga Chinese national sa Hongkong ang mga Overseas Filipino Workers, partikular na sa mga malls at ibang pampublikong lugar kung saan sinasabihan ang mga OFW ng “mamamatay tao”.

Kaugnay nito ,umapela ang MIGRANTE sa OFWs sa nasabign bansa na mas makabubuting unawain na lamang  ang sentimiyento ng mga Chinese national, sa halip ay gawing “sincere” ang paghingi nang paumanhin at makisimpatiya sa paghingi ng hustisya.

Nalaman na may 150,000 OFWs ang nasa nasabigng bansa  at nagta-trabaho kung saan higit na naapektuhan dahil sa nangyaring madugong hostage crisis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply