OFWS apektado sa tinapyas na DFA budget

NANGANGAMBA ang mga kongresista na lomobo ang bilang ng mga Pilipinong hindi masasaklolohan ng gobyerno sa ibang bansa matapos tapyasan ng halos 50 porsiyento ng administrasyong Aquino ang alokasyon ng Department of Foreign Affairs para sa susunod na taon.
Sa patuloy na deliberasyon ng 2011 proposed national budget nadismaya ang mga mambabatas sa napakababang alokasyon ng administrasyong Aquino sa pondo ng DFA na humihingi ng P19 bilyon subalit P10.98 bilyon lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Tinukoy ni Minority Leader Edcel Lagman ang malaking tapyas sa dating P50 milyon na inilaan sa Legal assistance ng 2010 ngunit ito ay ginawang P27 milyon na lamang para sa 2011.

Bagama’t aminado si Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo na maaapektuhan ang operasyon ng departamento partikular ang pagkakaloob ng tulong mga kilalang bagong bayani ay wala aniya silang magagawa kungdi “we will always try our best to do what we can with the budget that we have.”

Ayon kay Lagman sa pagtapyas na ito sa alokasyon ng DFa ay mas lalong lumabo ang pag-asa ng mga OFW na may kaso sa ibang bansa na mabigyan ng tulong ng administrasyong Aquino.

” They (OFW) cannot be given adequate action by the government because the legal fund has been reduced considerably,” sinabi ni Lagman sa isang press conference ng Minorya kahapon.

” There are certain allocation that are mandated by law like Migrant Workers Law which has been amended which provides that the allocation for the legal assistance to migrant workers should be not less that P30 M. It has been violated. There was also an arbitrary reduction of about 40% of the items of expenditures of DFA,” binigyang diin pa ni Lagman. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply