Oil price rollback barya-barya lang

BINAWASAN kahapon ng mga dambuhalang kompanya ng langis ang kalahati ng P0.50 sentimos nilang idinagdag sa presyo ng kanilang produkto noong nakaraang linggo matapos mag-rollback ng baryang P0.25 sentimos kada litro ng diesel at gasolina.

Sa mensaheng ipinadala nina Mitch Cruz ng Pilipinas Shell, epektibo dakong 12:01 kahapon ang pagpapatupad ng pagbabawas ng nasabing halaga ng regular gasoline at diesel na kaagad ding sinundan ng Chevron samantalang dakong 6:01 ng umaga naman naging epektibo ang pagpapatupad ng Petron Corporation at independent player na Eastern Petroleum.

Ibinatay ng mga kompanya ng langis ang maliit na halaga na ibinawas nila sa produktong petrolyo ang paggalaw ng presyo pababa ng Means of Platss-Singapor (MOPS) na siyang nagdidikta ng presyuhan ng langis sa mga bansa sa Asia.

Tulad naman ng inaasahan, hindi nasiyahan ang grupo ng transportasyon sa napakaliit na baryang ibinawas ng mga kompanya sa presyo ng kanilang produkto sa paniwalang hindi ito ang tamang halagang dapat na i-rollback ng mga kompanya.

Pinangatawanan ni George San Mateo, secretary general ng Pagkakaisa ng Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang bintang na masyadong nagiging gahaman sa malaking tubo ang mga dambuhalang kompanya ng langis at ginagawa lamang umanong mga patay-gutom ang mga tsuper sa maliit na baryang ibinabawas nila sa presyo ng kanilang produkto na nais pa umanong tanawin na isang malaking utang na loob. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply