Ombudsman “sabit” sa hostage crisis

IPATATAWAG   ng  Senate committee on public order and illegal drugs si Ombudsman Merceditas  Gutierrez  upang pagpaliwanagin sa naging partisipasyon nito sa madugong hostage crisis na ikinamatay ng walong dayuhan noong Agosto 23.

Sa panayam, sinabi ni Sen. Gregorio  “Gringo” Honasan, chairman ng naturang komite na kailangan maipaliwanag ni Gutierrez at ilang opisyal ng Ombudsman kung bakit umalma si S/Insp. Rolando Mendoza sa sulat na ipinadala dito noong kasagsagan ng hostage crisis.

“Nais ng komite na pagpaliwanagin muna ang tanggapan ni Ombudsman Merceditas Guitierrez at mga kasamahan nito na maaaring nag-udyok kung bakit umalma ang hostage taker na siyang dahilan ng madugong pangyayari,” ayon kay Honasan.

Matatandaan na inihatid ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang liham ni Gutierrez kay Mendoza bilang bahagi ng negosasyon sa hostage taking hinggil sa kasong kinahaharap nito sa Ombudsman.

Nilalaman ng liham ng Ombudsman na tinitiyak na muling pag-aaralan ang kanyang motion for rexonasideration na naunang ibinasura sa kawalan ng karagdagang ebidensiya.

Ayon kay Honasan, nakatakdang ikonsulta ang naturang imbitasyon alinsunod sa umiiral na panuntunan ng komite dahil may apat pang hiwalay na komite ang nag-iimbestiga sa insidente.

Maliban sa Ombudsman, ipatatawag din sa huling pagdinig sina   DILG Sec. Jesse Robredo,   Manila Mayor Alfredo Lim,   Moreno, dating PNP chief Jesus Verzosa at negosyador na si Col. Orlando Yebra.

Nauna nang inirekomenda ng Incident Investigating and Review Committee (IIRC) sa pamumuno ni Justice Sec. Laila De Lima na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga nabanggit na opisyal na siyang pinag-aaralan ngayon ng legal panel ng Palasyo. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply