Opisyal ng Manila City Hall arestado sa shabu

LAGLAG sa ipinagbabawal na droga ang isang opisyal ng Manila City Hall at isang kasama nito matapos silang mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Sta.Cruz, Maynila.

Kasalukuyang nasa Manila Police District (MPD) Station 3 ang mga suspek na sina Arvin Espinosa, 43, administrative officer 1 ng Manila City Hall at residente ng 4729 Toltino St., Gen. T. De Leon, Valenzuela City at Rogelio Moselina, 40, ng 2036 Elias St., Sta Cruz sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Supt. James Afalla, hepe ng MPD-Station 3, dakong 1:30 ng hapon kamakalawa nang maaresto ang mga suspek sa bahay ni Moselina.

Bago ang pag-aresto ay may tumawag sa tanggapan ni Afalla na nagsusumbong na umano’y may nagaganap na “pot session”  sa loob ng bahay ni Moselina.

Agad sumugod ang mga kagawad ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Unit, na nakaakto sa mga suspek habang sumisinghot ng shabu.

Nakuha sa kanila ang tatlong strip ng aluminium foil na may lamang shabu, glass tooter, dalawang disposable lighter at tatlong plastic sachet ng shabu.

Kasong paglabag sa Sec. 11 at 12, in relations to Sec 15, Art. II ng RA 9165 ang isinampang kaso laban sa mga naarestong suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply