P132M fake Havaianas, nakumpiska ng NBI

NASAMSAM  ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang  tinatayang P132-milyon fake Havaianas slippers at fake Casio calculators sa mgakakahiwalay na pagsalakay sa ilang lugar sa Metro Manila.

Sinalakay ng awtoridad ang mga establisyemento sa Quiapo, Maynila kung saan unang nakumpiska ang 22,750 piraso ng Casio calculators na may halagang P18 milyon.

Nakatakdang ipagharap ng kaukulang kaso ang mga negosyanteng nagpapatakbo ng sinalakay na R.B. Abalos Electronic Accessories and or R.A. Serrano General Merchandise sa  B-48, 49 , 50 at 51 stalls, stalls B-94  at B-95, sa 2nd floor ng Plaza Miranda Mall, Carriedo St. , Quiapo, at units 410, 411, 415, at 416, sa 4th floor, Capt. Gonzaga Building, Rizal Ave.corner Carriedo St. , Quiapo, Manila .

Sumunod namang sinalakay ng NBI agents ang mga tindahan sa Valenzuela, Caloocan at Quezon City kung saan nasamsam ang fake Havianas slippers na umabot sa 171,615  piraso katumbas ng P132 milyon.

Kabilang sa sinalakay ay ang Kentex Manufacturing Corporation sa 6159 Kowloon Industrial Subdivision,  Tatalon St. , Barangay Ugong, Valenzuela City  at Kentex’s main office sa 63 Boni Serrano (5th st. ) corner 8th  Ave. ,  Grace Park, Caloocan City .

Gayundin  ang Jefferson Sales Center warehouse sa  Ermin Garcia st. , Cubao, Quezon City;  ParkLane Sales Center, sa Plaza Claire Building , 21 Susano Road, Quezon City;  at Winner Footwear Inc., sa Block 3, Lot 10 Manchester Subdivision,  Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Kasong paglabag sa Republic Act 8293 ng Intellectual Property Code of the Philippines (Trademark Infringement and Unfair Competition) ang isasampang kaso sa may-ari ng naturang mga establisiyemento. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply