P2 milyon kailangan para maibalik ang boses ni La Aunor

TUMATAGINTING na 40 thousand dollars o humigit kumulang 2 million ang kailangan para sa gagawing operasyon sa nasirang boses ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Ito ay ayon kay Kuya Germs na nakasama niya sa concert nito sa Australia.

Ayon kay Kuya Germs, wala ring assurance na kapag naoperahan si Ate Guy ay babalik pa rin ang magandang tinig nito, meron daw chance pero walang assurance hangga`t hindi naisasakatuparan ang operasyon.

Kumbaga wait and see, ‘yan ang namutawing pahayag kay Kuya Germs. Talagang nasira daw talaga ang boses ng nag- iisang supertar resulta ng operasyon nito sa Japan. Kaya naman daw sa concert series ni Ate Guy sa Australia ay hindi nito nagawang umawit bagkus ay humingi na lang ng pasensiya sa mga nanood.

Pero kahit nga daw hindi nakaawit ang nag-iisang Superstar ay naging mainit pa rin ang pagtanggap dito ng kanyang loyal supporters at masaya nilang nakita, nakamayan, nakapagpa-picture at nakapagpa-autograph kay Ate Guy na halos karamihan ay lumuluha sa sinapit ng kanilang iniidolo.

Sa ngayon daw ay wala pang tentative na date kung kailan maooperahan si Ate Guy dahil sa laki ng halagang kakailanganin nito sa nasabing operasyon. Pero dagdag pa ni Kuya Germs na marami naman daw ang gustong tumulong kay Ate Guy, kaya di malabong maoperahan ito sa  lalong madaling panahon at maibalik ang dating ganda ng boses nito.

RAYMART SANTIAGO, IDINEPENSA SI CLAUDINE

Tama nga naman kung hindi na mauwi sa demandahan at pag-usapan na lang ng mahinahon ang awayan nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban. Bilang suporta at proteksyon nagsalita na rin si Raymart Santiago para sa kanyang asawang si Claudine Barretto at alang-alang sa dalawa nilang anak
Narito ang statement ni Raymart sa GMA News:

“Noon pa mang di pa lumalabas ang balita ay tumawag na mismo si Martin… Siya ang nagsabi na walang katotohanan ang lalabas na tsismis. Sabi niya, ‘Pare, hindi ko magagawa sa iyo ‘yan. Kilala mo naman ako.

“Pagkatapos nito ay nagkausap pa kami nina Martin at Derek, at napag-usapan namin na ayusin na lamang ito nang mahinahon, dahil ito ay simpleng away ng mga magkaibigan na parang magkapatid kung magturingan.

“Kinakailangan ko na pong magsalita para suportahan at proteksyunan si Claudine. Ikinalulungkot ko ang mga paninirang tsismis tungkol sa kanya… Sana po ay tigilan na ang mga kathang-isip na mga ito, alang-alang sa aming dalawang anak…

“Mahal na mahal ko po si Claudine. Sana po ay patuloy din po ang pagsuporta at pagtangkilik ninyo sa kanya.”

Very well said!

MARCO ALCARAZ, NAG-DENY NA HINDI SILA IKINASAL NI PRECIOUS LARA QUIGAMAN

Nag-deny ang actor ng Sex Ejokecation na mapapanood sa September 9 sa Metro Bar na si Marco Alcaraz ang balitang ikinasal na sila ng kasintahan niyang si Precious Lara Quigaman.

“Wala pang singsing, wala pang singsing, wala pa,” sabay pagpapakita niya ng kanyang mga daliri sa kamay.

“Siguro kung magpapakasal kami hindi namin isi-secret, proud ako sa girlfriend ko, if ever man, hindi namin isi-secret,” sey ni Marco.

Naniniwala si Marco na hindi naman makakaapekto sa career nila ni Lara if ever ikasal sila.

“Wala naman akong loveteam, wala naman siyang loveteam. Hindi naman kami 21 o 22  (years old).”

Kinumusta naman namin ang latest pictorial niya para sa FOLIO: A Special XRay Media Publication.

“The usual, naka-underwear tapos medyo wet-wet effect lang.

Ano ang sabi ni Lara sa naturang sexy  pictorial niya? Hindi ba ito tumutol?

`“Wala naman siyang ganu’n, naging kami naman na alam niya ang image ko. Basta sa kanya lang raw ako, huwag lang akong mambababae.”

Si Marco, papayagan rin niya si Lara if ever mag-sexy pictorial ito for FHM.

“Why not? Okay lang, okay lang.”

Wala siyang ipagbabawal sa kanyang GF.

“Wala kasi nag-two-piece na naman siya sa Bb. Pilipinas.

“Kung gusto niya, why not? Kung gusto niya, okay lang.”

Kahit daw kissing scenes hindi niya pinagbabawalan si Lara.

“Hindi kasi nga may ginawa siya sa ano, mommy siya ni John  Lloyd Cruz sa Imortal, sila ni Jomari (Yllana), may kissing scene daw sila.”

Nagpaalam sa kanya si Lara?

“Sinasabi lang niya, hindi naman paalam, pero sinabi lang niya na may ganito-ganyan, sabi ko okay.

“Siyempre ako ginagawa ko ‘yun, bakit ako magbabawal sa kanya?”

Inamin ni Marco na napag-usapan na nila ang tungkol sa kasal.

“Paminsan-minsan, napag-uusapan naman.

“Wala pa namang exact date o exact na ganito, ganyan. Napag-uusapan in a way na ‘pag kinasal tayo, maganda beach wedding ganu’n, the future.”

Gusto nila sa beach ikasal.

“Hindi kasi nu’ng nakita niya ‘yung mga videos ng mga kinasal sa beach gusto niya kaming dalawa mahilig kami sa dagat tapos recently nu’ng birthday ko nag-stay kasi sa Discovery (Shores sa Boracay), nag-enjoy kami doon nakausap niya ‘yung manager na maraming nagpapakasal dun sa Discovery.”

Buong  ningning ding sinabi ni Marco na noong bago palang siya naa-attract kay Lara, sumagi sa isip niya na anakan niya ito agad para hindi na makawala.

“Honestly, ako magiging honest na ako, ito honest ako. Noong hindi pa niya ako sinasagot, nu’ng nanliligaw pa lang ako, paalis siya papuntang London noon, tapos dadalawin ko siya, bago siya umalis, nag-pop sa mind ko na, ‘Ah buntisin ko na ‘to para maging akin na ‘to!’

“May ganu’ng napa-isip ako, but siyempre you have to think of your future rin na… I mean  I have a lot of friends na may ano, may anak sila na hindi naman sila so …

Mahal na mahal ni Marco si Lara, at relihiyon ang naging instrumento kaya nagtatagal ang relasyon nila.

“Nu’ng mas nakilala ko siya, ayun, sabihin ninyo ng korni ako, na baduy ako, mas napalapit ako kay Lord ngayon.

“Sabihin ninyo ng ‘Ano ba ‘to, gaya-gaya sa ibang artista?’

“Pero honestly iyon, talaga, na ‘yung closeness niya kay Lord, Iyon. Every Sunday sumasama ako sa kanya sa New Creation Ministry sa Alabang. Catholic ako pero… “Magaling ‘yung pastor, magaling ‘yung service nila dun, so happy ako na mas iba ‘yung pananaw namin sa buhay ngayon,” sey pa niya. XTREME/Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply