P235M ng TESDA nilustay ni Syjuco–Drilon

NAKAHALUKAY  ng multi-milyong pisong  anomalya ang Senado  kung saan itinuturo si dating Technical and Skills Development Authority (TESDA) Director-General Boboy Syjuco  na naglustay ng  mahigit P235 milyong pondo ng ahensiya.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa pambansang badyet sa pamumuno ni Sen. Franklin Drilon, natuklasan ng komite na umabot sa mahigit P134.4 milyon ang nilustay ni Syjuco sa promosyon ng Pangulong Gloria Scholarship Program.

“Sa ilalim ng Pangulong Gloria Scholarship Program, ginamit ang halagang P134,383.34 sa promosyon kabilang ang advertisemen sa laban ni (Manny) Pacquiao, ginamit si Sarah Geronimo para sa advertisement ng programa kabilang ang P62 milyong halaga ng t-shirts.,” ani Drilon

“ This is a classic case of how government funds were abused: Payment of commercials – P24,859,000

Purchase of t-shirts as advocacy materials for President Gloria Scholarship Program – P65,999,979.36

Printing of TESDA Career Gold Cards – P2.8 million,” paliwanag pa ni Drilon.

Sinabi pa ni Drilon na nagbigay din umano ng P100 milyong pondo ng TESDA para sa Tagi Puso On Foundation bukod pa sa P100 milyong ibinigay naman ni Cong. Judy Syjuco sa naturang foundation mula sa Congressional Initiative Funds o pork barrel ng kongresista.

“This is supposedly for training but it was used to purchase school supplies. That’s about P200 million in public funds according to the testimony of TESDA officials—P100 million came from PDAF and another P100 million came from TESDA on a span of five years since 2005. Up to this point, substantial portions of these funds have not been liquidated,” ayon kay Drilon.

Base sa records ng Securities and Exchange Commission (SEC), ayon pa kay Drilon, walang binanggit na opisyal sa rehistrasyon nito ngunit may address na kahanay ng tahanan ng pamilya Syjuco sa Iloilo City.

“The Tagi Puso On Foundation has offices on the same street as the residence of Cong. Syjuco. Per records of the SEC, it’s on Rodriguez St., Sta. Barbara, Iloilo,” ayon kay Drilon.

Bukod pa rito ang mahigit P970 milyong scholarship funds na ginamit sa pagsasanay ng 409,800 kabataan na pinag-aralan sa pribadong training center gamit ang Scholarshgip Vouchers nang walang pondo.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply