P3M nilimas ng Gapos gang

TINATAYANG aabot sa 3 milyong pisong halaga ng alahas at pera ang tinangay ng mga miyembro ng Gapos gang sa niloobang bahay sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon sa inisyal na ulat ng Criminal Investigation and Detection  Unit at Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng QCPD, alas 5:30 ng madaling araw nang pasukin ng apat na armadong suspek ang bahay ni Josefa Tadeo delos Santos, 61, sa B-28, L-30, Acropolis St.., North Olympus Subdivision sa nasabing lungsod.

Ayon kay PO1 Jaime Samson ng QCPD Station 5, iginapos ng mga suspek ang biktimang matanda at tatlong kasambahay nito na sina Lenny Sanliolo, Rachelle Mahilum at Melanie Villaluz bago hinalughog ang buong kabahayan.

Tinangka ring tangayin ng mga suspek ang Toyota Fortuner ng matanda ngunit hindi nila ito napaandar kaya naglakad na lamang sila sa pagtakas. Alex Ching

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply