P4.5 million wedding gown inayawan ni Ogie Alcasid

UMURONG daw sa mahal ng traje de boda na susuutin ni Regine Velasquez ang kanyang dyowa na si Ogie Alcasid sa gravecious sa pagka-mahal ng price nito na tumataginting na milyon.

Hindi naman daw kailangan na magarbo o bonggang bongga ang kasal na magaganap dito sa mag-sing irog na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na plano na magpakasal sa December.

Marami naman ang nalula at nagtaka sa kampo nina Ogie at Regine sa balitang milyones ang halaga ng traje de boda na gagamitin nito sa kasal at isang sikat na designer pa sa Amerika ang gagawa.

Pero pinabulaanan naman sa kampo nina Ogie at Regine na milyones ang traje de  boda na gagamitin ng Asia’s Songbird sa kanilang kasal.

Masyado naman daw mahal ‘yun kung milyones ang traje de boda na susuutin ng kanyang magiging bride to be na si Regine. Hindi naman daw ganun ka-mahal pero hindi naman din daw ganun ka-mura.

Ayon sa aming tsismosang kapitbahay na baka raw sa Divisoria o sa Baclaran na lang bibili ng gown at ipaparetoke na lang ito sa isang designer.

Well, why not?

Kunsabagay, kung pagiging praktikal lang ang pag uusapan, eh, ano naman kung sa Barclay (Baclaran) o sa Derby (Divisoria) bibili ng traje de boda ang magpapakasal sa December na sina Regine at Ogie at isang gamit lang naman ito. At hindi na nga raw uso pa ang pabonggahan at mas simple na kasal ay mas bonggacious sa magdyowa.
Saka mahahalata pa ba ‘yan kung sa Baclaran o Divisoria binili ang traje de boda kapag ni repair muling designer, di ba?

Ang paglilinaw ng kampo ni Ogie,  hindi naman daw sa tinitipid ni Ogie ang kanyang magiging maybahay to be kundi praktikal lang sila sa nalalapit nilang kasal. Pero, ang pahabol ng aming tsismosang kapitbahay, sinalo na ng isa sa mga sponsors ang wedding gown at talagang hindi magpapatalbog ang Regine sa kanyang kasal dahil nasa mga P4.5 million ang presyo ng wedding gown nito. O, laban?

Kaya nga kaabang-abang daw ang susuotin ng bride na traje de boda sa kanyang nalalapit na kasal sa December.

Abangan! INBOX/ Jovi Llosa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply