P500 sustento kada buwan para sa lolo’t lola–DSWD

Dahil sa  kakulangan ng pondo ng  pamahalaan, tanging ang may edad 80 pataas lang ang mabibigyan ng tig-P500  na sustento ng pamahalaan.

Ito ang nilinaw kahapon ni Department of Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman kaugnay sa benepisyo ng mga senior citizen sa bansa.

Hindi pa inihayag ng kalihim kung kailan at paano makukuha  ang  nasabing  halaga para  sa may  edad  na  80 pataas bilang sustento ng pamahalaan sa kanila.

Sinabi pa ni Soliman na nagkaroon din ng kalituhan hinggil sa alituntunin at implementasyon ng pagbibigay ng diskwento sa mga senior citizen.

Dahil dito, nakatakdang  talakayin ng National Coordinating and Monitoring Board ang lumutang na pagkakamali sa implementing rules and regulations ng Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act.

Kinakailangan aniyang malinawan ang bagong regulasyon na inilabas ng BIR at pag-usapan ang computation.

Ayon kay Soliman, aminado silang maraming senior citizens ang malilito dahil sa pag-akalang exempted sila sa pagbabayad ng 20% VAT sa lahat ng serbisyo, utilities at bilihin.

Ito ay matapos kumpirmahin ni BIR Commissioner Kim Henares ang pagkakamali sa nilagdaan niyang regulasyon at kanila na itong inaayos.

Lumitaw sa BIR na may diskwentong 5% ang mga senior citizens sa kanilang water at electricity bills pero kailangan pa rin nilang bayaran ang nakapataw na VAT sa nasabing utility services. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply