P60B sa pondo ng LGU nawawala

MALAKING  misteryo para kay Sen. Edgardo Angara kung saan napunta ang P60-bilyon pondo para sa Local Government Units Development Funds (LGUDF).

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on finance hinggil sa pambansang badyet, hiniling ni Angara ang Malakanyang na tutukan ang mga lump sum allocations na hindi nasasala ng Kongreso.

Partikular na tinukoy ni Angara ang pagmo-monitor sa pondong nagkakahalaga ng P300 bilyon dahil hindi malaman ng Kongreso umano kung saan napunta ang 20 porsiyento o P60 bilyon nito.

“We must also impose a criteria for extending the 20 percent of LGU development fund. It’s around P300 billion, so 20 percent of that is P60 billion. Where does that P60 billion of LGU development funds go?” tanong ni Angara

Ayon kay Angara, mainam na lamang kung nagagamit ng LGU ang naturang halaga sa pagpapatayo ng terminal na bus o pampublikong palengke na pinagkakakitaan ng pamahalaang lokal.

“(It would be) good if they (LGUs) build up public markets or bus stations which are income-generating, but I think we must also bring them under rationalization so we regain public trust,” giit ni Angara.

Bukod sa naturang pondo, pinatututukan din ni Angara sa administrasyon ang kinokolekta ng pamahalaan sa road user’s tax at Malampaya tax dahil hindi na dumadaan o napapansin ng Kongreso ang paggamit nito.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply