P6B housing fund tinungkab nina Dinky, Robredo

HINDI  pumapayag ang dalawang mambabatas na payagan ang panghaharbat nina Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo at Social Welfare Sec. Dinky Soliman sa pondo ng ibang ahensiya ng pamahalaan partikular ang P6 bilyon pondo sa pabahay.

Sa magkahiwalay na panayam, sinabi nina Sen. Edgardo Angara at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ibabalik nila ang naturang halaga sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na inilaan para sa pabahay.

“Dapat panatilihin ang naturang halaga sa ahensiyang may kakayahan at kapasidad na panghawakan at pangasiwaan ang pondo para sa pabahay. Tulad nitong P6 bilyong pondo para sa pabahay na kinaltas ng Mababang Kapulungan sa HUDC, saka inilagay sa DILG, DSWD,” ayon kay Angara.

Sinabi naman ni Marcos na hindi niya maintindihan ang lohika nang palipat-lipat ng proyekto ang ilang ahensiya ng pamahalaan tulad nang ginagawa ng Mababang Kapulungan na inilapat ang naturang halaga sa DILG at DSWD.

“Para sa akin, mas makakabuting maibalik sa ahensiyang may kakayahan at expertise sa pabahay ang naturang pondo,” ayon kay Marcos.

Naunang ibinulgar ni Angara na kinaltas ng Mababang Kapulungan ang halagang P6 bilyon para sa pabahay saka idinagdag sa badyet ng DILG at DSWD na mangangasiwa sa pabahay ng pulisya at “poorest of the poor” ng naturang ahensiya alinsunod sa pagkakasunod-sunod. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply