P7.1B Pag-IBIG fund fiasco kakalkalin sa Senado

TINIYAK  kahapon ng isang senador na mananagot ang sinumang opisyal ng pamahalaan at pribadong sektor na sangkot sa P7.1 bilyong eskandalo sa pautang ng Pag-Ibig funds nitong nakaraang administrasyon.

Sinabi ni Sen. Serge Osmena na nakatakdang kalkalin ng Senado ang maanomalyang kasunduang pinansiyal sa pagitan ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Funds) at pribadong developer, ang Globe Asiatique na nagbigay ng halagang P7.1 bilyong pautang para sa dalawang housing projects.

Ayon kay Osmena,  susuriin nang mabuti ng Senate committee on banks, financial institution and currencies ang kasunduan ng Pag-IBIG Fund sa Globe Asiatique, ang developr ng Xevera 1 at 2 at Samira housing project sa Pampanga.

“Yes, we will investigate this. This falls under the jurisdiction of the Committee on Banks,” he said, noting that the arrangement was a case of conflict of interest,” ayon kay Osmena.

Gustong malaman ni Osmena kung paano at kung bakit pinayagan ang developer na magtukoy ng borrower sa ngalan ng Pag-IBIG.

“ Tanging interesado ang Globe Asiatique na mabayaran sila ng Pag-IBIG, wala sialng pakialam kung mababayaran ang Pag-IBIG nang nangutang sa kanila,” wika ni Osmena.

Tinukoy pa ni Osmena ang testimonya ni Emma Linda Faria, officer in-charge ng Pag-IBIG funds na ibinigay ang P7.1 bilyong pautang sa 9, 951 buyer na inaprubahan ng Globe Asiatique ang kuwalipikasyon sa pamamagitan ng kasunduan sa pagitan ng developer at naturang ahensiya ng pamahalaan.

Naisagawa ang pautang sa pagitan ng Hulyo 2008 hanggang Hunyo 2010. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply