P71-M kada buwan para sa ‘Willing Willie’

HINDI na talaga paaawat ang TV5 sa pagbibigay ng kung ano ang gusto at kailangan ng nakararaming manonood. Maingay at malakas ang dating ng Kapatid Network ngayon dahil buhos talaga ang naggagandahang programa na dahilan kung bakit marami na ang naglilipat ng channel sa kanila ngayon.

At ngayon nga ay tinatayang lalong totodo sa lakas ang TV5 sa paglipat ng sikat na TV host na si Willie Revillame sa kanilang bakuran.

Tapos na nga ang paghihintay ng napakaraming fans ni Willie Revillame dahil nalalapit na ang pagbabalik-telebisyon ng kanilang idolo at ngayon ay mas lalo pang bongga ang kaniyang programang Willing Willie, na malapit ng mapanood sa TV5. Dahil dito, inaasahang mas marami pang maglilipat sa Kapatid Network para makibahagi sa saya at milyon-milyon na papremyo ng Willing Willie.

Inihahanda na ang studio ng ‘Willing Willie’ sa TV5 sa Novaliches kaya ang ibang mga programa ay tine-tape na ngayon sa KB Studio sa Marcos Highway at sa studio nila sa Pasong Tamo,Makati.

Pero wala pang kasiguruhan na magsisimula ang programa niyang ‘Willing-Willie’  sa Oct. 10, 2010.

Marami pa raw puwedeng mangyari. Sabi nga sa www.stir.ph, di pa rin daw sure  kung primetime. Puwede ring noontime. Pero siguradong  mailo-launch ang Willing-Willie next month (October)!

Ayon pa kay Kuya  Edgar O. Cruz : “Willie Revillame’s multi-billion deal as host/co-producer of his new game and variety show over TV5 as buzzed by Stir.Ph in August 2010 is done! In connection with the contract he inked with TV5 Chair Manny V. Pangilinan, Willie as co-producer gets a total guaranteed compensation of P71 million monthly inclusive of the salaries of the staff. Over three years, that’s P2.556 billion including revenues from casual advertising/plugging like Willie’s compensation in Wowowee, his earnings has been estimated by an informed source at P4 billion!”

‘Yun na!

JASON ABALOS, ITINANGGING INIWAN SA ERE SI BELA PADILLA

Pinabulaanan ni Jason Abalos na iniwan niya sa ere  ang dating girlfriend na si Bela Padilla. One month na raw silang cool-off  bago nangyari ang gulo nina Bela at  Marian Rivera.

Itinanggi niya na may nagte-text at nagsusumbong sa kanya na nagpi-flirt diumano si Bela kay Dingdong Dantes kaya hiniwalayan niya ito.

Kilala raw niya si Bela at hindi ganoon ang personality .

Sa tono ng pananalita ni Jason ay halatang mahal pa rin niya si Bela at parang gustong balikan.

“Two years ba naman ang naging relasyon namin. Hindi mawawala ‘yun. Gusto ko siya kasi kaugali niya ang nanay ko,” sambit pa ni Jason.

-0o0-

Hindi korona ang kanilang pag-aagawan kung hindi $1 million at hindi Miss Universe ang kanilang sinalihan kung hindi ang inaabangang “The Amazing Race” season 17 namapapanood lingo-linggo, 10:30 PM sa Studio 23

Isa lang ang TAR sa mga top-rating program ng Studio 23 na pumalo ng 4.1% audience share noong Agosto, ang pinakamataas ng Kabarkada Network ngayong taon.

Ayon sa Kantar Media, ang Studio 23 ang nagtala ng pinakamalaking pagtaas sa national TV audience share ngayong taon kumpara sa mga karibal nitong channels tulad ng TV5, QTV11, at Solar TV.

Lumalakas na suporta ng mga manonood sa kanilang mga programa tulad ng mga pelikula sa tanghali, Koreanovelas, animes, Top Rank boxing matches, at UAAP/NCAA games.

Ihahatid din ng Studio 23 ang hardcore wrestlers ng “WWE Superstars” tuwing Lingo, 9:30 p.m. Tunghayan ang mainit na bakbakan sa maaksyong star-studded event at alamin na kung sino ang karapat dapat na tanghaling superstar.

Sa local front, maglalaban-laban ang mga Pinay high school at college dance groups sa “Lactacyd’s Confidance Hiphop Challenge,” kasama sina Xian Lim, Tricia Santos, at Megan Young tuwing Sabado, 6:30 p.m.

Samantala, kikilalanin naman nina Angel Aquino, Chesca Garcia, at Iya Villania ng “Us Girls” ang star for all seasons na si Governor Vilma Santos sa Sept 26, at susugurin naman nila ang bahay ng nag-iisang rockoustic heartthrob na si Sam Milby sa Oct 3.

Kamakailan, sinumulang ihandog ng Studio 23 ang kanillang double primetime block  mula 6PM hanggang 11PM ng gabi. Simulan ang naiibang TV treat na ito pagpatak ng alas sais sa back-to-back Asianovela na “KO One” at “Romantic Princess” na susundan ng mga paborito niyong local movies sa “Barkada Nights.”

Matapos ibigay ng “News Central” ang pinakamainit na mga balita, tuloy ang double primetime viewing sa back-to-back foreign series na kinabibilangan ng “Grey’s Anatomy” at “Dirty Sexy Money” tuwing Lunes; “NCIS: Los Angeles” at “CSI” tuwing Martes; “Legend of the Seeker” at “Smallville” tuwing Miyerkules; “Flash Forward” at “Ghost Whisperer” tuwing Huwebes; at “Desperate Housewives” at “90210” tuwing Biyernes. XTREME/Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply