Paaralan tutukan laban sa dengue

NAG-UTOS ang Department of Education (DepEd) na magsagawa ng kampanya sa lahat ng paaralan upang linisan ang mga eskuwelahan upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok na may dala ng sakit na dengue.

Ito ay dapat na maaksiyunan matapos na makatanggap ng impormasyon na karamihan sa mga nagkakasakit ng dengue sa buong bansa ay nakukuha sa kagat ng lamok sa  mga pinapasukang paaralan.

Kasabay nito, dapat ding kulis ang ilang sangay ng local na pamahalaan, kasama na ang buong barangay na tumulong sa gagawing paglilinis ng mga paaralan.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang information dissemination ng mga city health office upang malaman ng mga residente ang mga sintomas ng sakit na dengue at kung paano ito maiiwasan.

Maging ang mga opisyal ng barangay ay aktibo rin sa pagbibigay ng sapat na impormasyon sa kanilang mga nasasakupang lugar kung ano ang mga dapat gawin upang makaiwas sa sakit na dengue.

Huwag sanang magdalawang isip ang mga residente na magtungo sa mga health centers at pinakamalapit na ospital sakaling may miyembro sa kanilang pamilya ang magkakaroon ng sintomas ng naturang sakit.

PAGSISIMULA NG VOM FLOOD CONTROL PROJECT HIHILINGIN KAY PNOY

Hihilingin ni Valenzuela City Liga ng mga Barangay President, Councilor Alvin Feliciano kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, III na masimulan na ang nabinbin na Valenzuela-Obando-Meycauayan (VOM) flood control project.

Ayon kay Feliciano, matagal na ring nabinbin ang proyektong ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magbibigay ng solusyon sa nararanasang matinding pagbaha sa Valenzuela City at ilang bayan ng lalawigan ng Bulacan.

Kinuwestiyon din ng konsehal ang pagbibigay ng pangalan sa CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) mega flood control project dahil hindi naman kasama ang Lungsod ng Valenzuela sa proyektong ito.

Aniya, bagama’t tuloy-tuloy ang ginagawang mga programa ng lokal na pamahalaan sa tulong na rin nina Valenzuela City Mayor Sherwin “Win” Gatchalian at 1st District Congressman Rex Gatchalian ay hindi pa rin sumasapat sa problema sa pagbaha.

Nanawagan din kay Pangulong Aquino ang mga naninirahan sa Valenzuela at ilang bayan sa Bulacan na bigyan ng pansin ang kanilang kahilingan dahil isa ang mga nabanggit na lugar sa madalas na maapektuhan ng pagbaha.

Naniniwala rin ang mga ito na sakaling agad na matatapos ang VOM flood control project ay hindi na magiging mahirap ang pamumuhay ng mga residente sakaling muling may dumating na malakas na bagyo sa bansa.

BAYAW NI MAYOR MON ILAGAN, GAMBLING LORD SA CAINTA RIZAL

Samantala, ating nalaman naman na kaya pala hindi masugpu-sugpo ang sugal sa Cainta Rizal ay mismong bayaw ni Cainta Mayor Mon Ilagan ang nagpapatakbo nito.

Kaya naman pala walang magawa ang ating mga kapulisan dahil sa ang ginagamit na panangga ng bigtime GL sa Cainta ay walang iba kundi ang bayaw niyang alkalde.

Ano ka, yorme! Ganyan ba ang sistema ng iyong pagiging punong ama sa aming bayan? Bumalik ka na lang sa pagbabalita!

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa inyong paligid, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply