Pacman babagsak!– Marquez

NANINIWALA si WBA/WBO lightweight champion Juan Manuel Marquez na kaya ni Antonio Margarito na talunin si Manny Pacquiao sa kanilang sagupaan sa Nob. 13.

Dahil dalawang beses na niya itong nakalaban, alam na umano ni Marquez kung paano tatalunin ang Pambansang Kamao.

Ayon kay Marquez, ito umano ang dahilan kaya nagdadalawang isip si Top Rank promoter Bob Arum na itapat si Pacman kay Juan Manuel.

“Margarito must keep his distance, and when he attacks, fire off combinations of three or more punches…” ang ibinulong umano na tips ni Marquez kay Margarito.

Nabatid na si Pacquiao ay nawawala sa kontrol sa tuwing umaatake umano ang kalaban ng matinding kombinasyon.

Sa teknik ni Marquez, dapat umanong lumayo si Margarito kay Pacquiao, gamitin ang jab at kung tatangkain naman ni Pacman na lumusob, dapat ay lalayo ang Mehikano.

Ngunit sinabi naman ng kampo ni Pacman na makikita na lamang ito sa oras na magtagpo ang kanilang landas sa Nobyembre.

Hindi umano maaaring diktahan ni Marquez si Margarito dahil magkakaiba sila ng estilo at kung ano umano ang sandatang mayroon ang katunggali niya ay hindi na ito madaragdagan pa hanggang sa pagdating ng aktwal na sagupaan. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply