Pacman madalas pinupulikat

Muli na namang inatake ng pulikat si 7-division World Champion Manny Pacman Pacquiao habang nag-eensayo sa Baguio kahapon.

Ayon sa mga kritiko, nakababahala na ang pulikat na tumatama kay Pacman dahil baka bigla siyang pulikatin habang nakikipagsagupaan siya sa ring kay Antonio Margarito.

Maalalang isinugod kamakailan sa ospital si Pacman dahil sa matinding pananakit ng paa subalit sinabi ng doktor na nabatak lang ang mga laman nito sa ensayo.

Kahapon, sinimulan na ni pound-for-pound king Pacquiao ang dibdibang ensayo sa Baguio.

Kasama ang buong Team Pacman, nag-jogging at nilibot ng Pinoy ring icon ang Burnham Park.

Subalit, muli na namang napulikat ang kanang paa nito pero agad din namang gumaling matapos magpahinga.

Ayon kay Boboy Fernandez, assistant trainer, rigid training na ang isasagawa ng mga ito sa lungsod.

Inaasahan ding maghaharap ngayong araw sina Pacquiao at ilan sa mga sparring partners nito sa gym sa Coyeezan Building, sa Naguilian Road, na tinutuluyan din ng grupo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply