Pacman may arthritis, naospital

Isinugod si 7-division world champion Manny Pacquiao sa ospital matapos makaramdam ng matinding pananakit ng kaliwang paa pagkatapos ng kanyang ensayo sa paghahanda sa laban kontra kay former 2-time world champion Antonio Margarito sa Nobyembre 13.

Sa isang interview, tiniyak ni Manny na walang problema sa kanyang kalusugan.

Isinugod si Pacman sa Cardinal Santos Medical Center noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa pound-for-pound king, nanakit ang kanyang kaliwang paa matapos ang dalawang oras na workout sa Elorde Gym.

Sumailalim umano si Pacman sa MRI at blood tests. Hinala ng Pinoy ring icon, posibleng arthritis o baka may kinalaman sa uric acid.

Subalit wala naman umanong problema sabi ng doktor. Ayon sa kongresista, namaga lang ang kanyang paa matapos mabatak ang muscle sa workout.

Kahapon sa workout ay kitang-kita ang pag-aalala sa trainer ni Pacman na si Freddie Roach at conditioning coach na si Alex Ariza.

Ngunit ayon kay Roach, wala namang nagbago sa ipinapakitang lakas ng kanyang alaga.

Iginiit naman ni Ariza na kakausapin niya ang doktor na sumuri kay Pacman upang alamin ang totoong kalagayan ng paa ng Pinoy champion.

Ngayong araw ay aakyat ng Baguio ang Team Pacman upang ituloy ang kanyang training.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply