Pacquiao binigwasan si Margarito

MISTULANG nakatanggap ng mabagsik na bigwas mula kay Manny Pacquiao si Antonio Margarito kahapon sa isinagawang kauna-unahang press conference para i-promote ang kanilang nalalapit na sagupaan sa Nob. 14 sa Cowboy’s Stadium sa Texas, USA.

Ayon kay Pacquiao, hindi siya naniniwala sa sinabi ni Margarito na hindi alam ng boksingero ang pandaraya ng trainer nitong Javier Capetillo sa laban ng Mexican fighter kay Shane Mosley noong isang taon.

Iginiit ni Pacquiao na naglulubid ng buhangin si Margarito at pinalalabas nito na wala itong alam sa isyu ng hand wraps.

Bagama’t sinabi ni Pacman na dapat lamang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Margarito, hindi umano siya kumbinsido sa depensa ng Mehikano.

“Siyempre naman, naniniwala akong alam niya iyon,” giit ni Pacquiao.
“Siya ang naglagay ng benda sa kanyang mga kamay. Gumagawa lang siya ng alibi sa hindi malamang dahilan. Ano sa tingin ninyo? Ang paniniwala ko ay alam na ninyo!” pahayag ni Pacman sa mga mamamahayag na dumalo sa press briefing kahapon.

Paglalabanan nina Pacman at Margarito ang WBC 154-pound title ngunit sa 151-pound catch weight sila magtatagpo.

Matatandaan na binigyan na ng lisensya ng state commission ng Texas si Margarito kamakailan para makasagupa si Pacquiao sa Nobyembre. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply