Pacquiao dahilan ng pagkaadik ni Hatton?

IPAPASOK na si Ricky Hatton ngayong linggong ito sa isang rehab clinic matapos umaming adik nga siya sa cocaine at isang taon na niya itong ginagawa.

Ang dating boxing world champ ay nakunan ng kamera habang sumisinghot ng sangkaterbang cocaine sa isang nakagigimbal na drink-and-drugs session ilang araw na ang nakararaan.

Wala namang gatol na inamin ni Hatton na nagumon nga siya sa Class A drug matapos ang makabagbag damdaming pakikipag-usap nito kay Jennifer Dooley na kanyang asawa.

“I’ve been an idiot and I’m so sorry and ashamed. I need and want to sort myself out,” walang gatol na sabi ni Hatton.

Ayon kay Dooley, nagulat siya nang madiskubre na ang kanyang mister na 31-anyos ay gumagamit ng droga at naganap ito sa Manchester.

Matatandaan na noong Mayo ng nakaraang taon ay napabagsak ni Filipino boxer Manny Pacquiao si Hatton sa 3rd round ng kanilang sagupaan sa ibabaw ng ring.

Maaaring isa umano ito sa mga dahilan kaya naging adik ito sapagka’t mula umano nang matalo ito ni Pacman ay noon na nagsimula ang kanyang paggamit ng ipinagbabawal na droga. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply