Pacquiao KO sa 11th round – Margarito

“Kung aabot ang laban sa 11th round,” ito ang matapang na isinagot ng Team Pacquiao matapos ipangalandakan ng Team Margarito na matutulog sa 11th round ang pambansang kamao sa kanilang paghaharap sa November 13 sa loob ng ring.

Una ng naglabas ng prediksyon ang Team Pacquiao na hihiga sa sahig sa 8th round si dating two time world champion Antonio Margarito.

Bilang sagot naman, pinausok ng Team ni Margarito na wawasakin nila si seven division world champion Manny Pacquiao sa 11th round.

Ayon kay Robert Garcia, trainer ng three-time Mexican welterweight champion, sa Round 11 babagsak si Pacquiao.

Kabilang umano sa mga estratehiya ng Team Margarito ay panatilihin sa corner ang Filipino ring icon at gamitan ng sunod-sunod na uppercuts para magiba ang depensa nito.

Ayon kay Garcia, ganito rin ang ginawa noon ni former welterweight champion Miguel Cotto sa laban nila ni Pacman, na bagama’t natalo ang Puerto Rican boxer, nayanig naman si Pacquiao sa mga head shots sa kaniya ni Cotto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply