Pacquiao, Margarito nag-face-off

MULING nagharap sina Manny “Pacman” Pacquiao (51-3-2 38 KOs) at Antonio “Tijuana Tornado” Margarito (38-6 27 KOs) sa ginanap na huling press tour ng dalawa sa Dallas, Texas para i-promote ang kanilang nalalapit na sagupaan sa November 14 sa Cowboy Stadium sa Arlington kung saan nakataya ang WBC light middleweight title.

Sinabi ni Margarito na i-aangat niya sa buong mundo  ang pangalan ng kanyang trainer na si Roberto Garcia at ito’y sa pamamagitan nang pagdurog kay Pacquiao.

”Magaling na fighter si Pacquiao, kaya mahal ng lahat si Freddie Roach,” ayon kay Margarito. “Pagkadurog ko kay Pacquiao ay makikilala nila si Roberto Garcia.”

Nangako si Garcia na sinasanay niya si Margarito at tinuturuan ng mga ideya kung paano magigiba ang Pambansang Kamao.

Samantala, iginiit naman ni Pacquiao na alam na niyang mahusay na boksingero si Margarito.

Wala aniya siyang ibang layunin kundi ang mapasaya ang mga boxing fans sa sandaling magtagpo ang kanilang landas sa ibabaw ng ring.                            GP

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply