Pag-aresto sa immigration officer kinondena

NAGSAGAWA ng kilos protesta ang mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaugnay sa pagkakadakip sa isa nilang immigration officer  nitong nakaraang Biyernes.

Ang silent protest ay inilunsad  upang kondenahin ang pagkakadakip kay immigration officer Luzviminda Herrera matapos umanong magtangkang palusutin ang pitong manggagawa patungong Middle East na walang sapat na dokumento.

Ayon kay Joselyn Calumpag, Immigration Office ng NAIA, naglagay sila ng kulay dilaw  na armband upang ipadama ang kanilang pagtutol sa kanilang kasamahan na nagdanas ng kahihiyan at hindi idinaan sa tamang proseso.

Batay sa hinaing ng mga empleyo, si Herrera ay ginawaran ng parangal bilang model employee noong 2009 ni dating Immigration Commissioner Marcelino Libanan.

Sinabi ni Atty. Santos na napansin nila ang isang biktima na hindi malaman kung saang Immigration officer pipila at nang usisain, ipinabasa sa opisyal ang text message ng suspek na si Immigration Officer Herrera kung saan nakasaad na sa linya ni Herrera pipila ang biktima.

Nabuko rin na inaprubahan ni Herrera ang pagbiyahe ng ilan pang manggagawa kahit kulang pa ang dokumento ng mga ito.

Dinala na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pitong biktima para sumailalim sa counseling.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Human Trafficking Law ang suspek na si Herrera. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply