Pag-ulan patuloy kahit walang bagyo

Patuloy pa rin na makakaras ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang Pilipinas sa kabila ng patuloy na paglayo ng bagyong Meranti na ngayon ay  tinutumbok ang timog silangan ng China.

Ayon sa Pagasa, maliban sa hanging habagat na pinag-iibayo ng bagyo, patuloy ngayon ang epekto ng intertropical convergence zone na umiiral lalo na sa Mindanao.

Dahil dito mararanasan  ang mga pag-ulan sa Luzon at Visayas dulot ng hanging habagat, habang ITCZ naman sa Mindanao.

Nakataas pa rin ang babala ng Pagasa sa mga maliliit sasakyan pandagat lalo na sa karagatang bahagi ng hilagang kanluran ng Hilagang-Luzon dahil sa matataas na alon dulot ng hanging habagat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply