Paggamit ng plastic bag ipagbabawal

ISINUSULONG ni Valenzuela City Liga ng mga Barangay President, Councilor Alvin Feliciano sa Sangguniang Panglungsod ang ordinansang pagbabawal sa paggamit ng plastic bag bilang sisidlan sa mga pamilihan, karinderia, sari-sari store at iba pa.

Kung makapapasa ang proposed ordinance 2010-006, ipagbabawal na ang paggamit ng plastic bag at iba pang non-biodegradable na sisidlan ng iba’t-ibang pamilihan.

Isa ang plastic bag sa ginagamit na hindi natutunaw na dahilan nang pagbara sa mga estero, kanal at iba pang daluyan ng tubig na nagreresulta ng baha sa iba’t ibang lugar sa tuwing magkakaroon ng malakas na ulan.

Bukod dito, isa rin ito sa dahilan kung bakit dumudumi ang mga kagubatan at karagatan na dahilan nang lalo pang paglala ng problema sa global warming.

Dahil sa mga masasamang epektong ito, naisipang isulong ni Feliciano ang ordinansang pinamagatang “Paper Bag Ordinance”.

Ang sinumang negosyante na mahuhuling lumalabag sa kautusan ay maaaring patawan ng kaparusahang: 1st offense-written notice at warning, 2nd offense-multa na aabot hanggang P5,000; 3rd offense-multang P5,000 at temporary suspension ng business permit ng labing limang araw; 4th offense-multang P5,000 at pansamantalang suspensiyon ng business permit ng tatlumpung araw at ang 5th offense; tuluyang pagtanggal ng business permit at ang operasyon nito.

Naatasan ding magpatupad sa ordinansang ito ang office of the city mayor sa pamamagitan ng business permit and licensing office (BPLO).

Samantala isinulong din niya ang isang resolusyon na naglalayong bayaran ng lokal na pamahalaan ang mga dagang mahuhuli ng mga residente sa buong lungsod upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na leptospirosis.

Hindi dapat ipagsawalang-bahala ang pagkalat ng sakit na leptospirosis dahil isa ito sa mga sakit na labis na nakakaapekto sa kalusugan at maaari ring ikamatay ng taong dadapuan nito.

Kadalasang nakukuha ang sakit sa mga dagang apektado ng leptospirosis sa pamamagitan ng pagsama ng ihi nito sa tubig baha na pumapasok naman sa katawan ng tao na dumadaan sa mga sugat o galos.

Base sa Department of Health (DOH) ang mga taong dinadapuan ng sakit na leptospirosis ay nagkakaroon ng mataas na lagnat, pagsakit ng ulo, panginginig ng katawan at kasu-kasuan, pagsusuka, paninilaw ng katawan at pamumula ng mata, pananakit ng tiyan, pagtatae at pagkakaron ng mga galos sa buong katawan.

Maaari ring pumasok ang bacteria ng leptospirosis sa pamamagitan ng pagdaan nito sa mata, bibig, ilong at ang pagkain ng mga kontaminadong pagkain at pag-inom ng tubig na nahaluan ng ihi ng daga.

Sakaling maaaprubahan ang ordinansa, ang mga mahuhuli na tumitimbang ng kalahating kilo pababa ay babayaran ng halagang P5 habang P10 naman para sa mga dagang mahuhuli na may timbang na kalahating kilo pataas.

Ola, Cainta Vice Mayor Atoy Sicat!

Binabati naman natin si Cainta Vice Mayor Atoy Sicat. Mahusay ang mamang ito dahil sa mga proyektong kanyang nagawa.

Ang matindi, humuhugong ang balita na siya ang magiging pangunahing katunggali ni Cainta Mayor Mon Ilagan sa napakalayo pang araw ng eleksiyon.

Pero ngayon pa lamang, binabati na natin ang ating kababata.
Just keep up the good work, bro!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply