Pagkaltas sa badyet ng state colleges pinalagan

KINALAMPAG ng may 30 mambabatas ang administrasyong Aquino dahil sa pagtapyas sa alokasyon ng may 112 na State Universities and Colleges (SUC) sa taong 2011.

Batay sa pinagsamang pahayag ng mga kongresista sa pangunguna ni Kabataan partylist Rep. Raymond Palatino, hindi dapat tapyasan kungdi dapat na dagdagan ang pondo ng edukasyon mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa kolehiyo.

Mula sa kasalukuyang alokasyon na P23.8 bilyon ay tinapyasan ito ng 1.7 porciento at ginawang P23.4 bilyon ng Department of Budget and Management.

Sa isang press conference, binigyang diin ni Aurora Rep. Sonny Angara na hindi maaaring ikatuwiran ng DBM na maaari namang makapagtaas ng matrikula ang mga kolehiyo dahil maraming magulang ang tututol dito partikular sa mga mahihirap na lalawigan.

“Lumpsums are prone to corruption dahil hindi mo alam kung saan mapupunta so makabubuting ito ang bawasan at dagdagan ang pondo ng SUCs. Gaya ng Department of Agriculture, Department of Public Works and Highways at Department of Social Works and Development,” ayon kay Angara.

Sa panig naman ni San Juan Rep. JV Ejercito na lumagda rin sa manifesto na tutol sa pagtapyas sa pondo ng SUC, ay iminungkahi nito sa administrasyong Aquino na bawasan ang kahina-hinalang intelligence funds ng executive branch, AFP, PNP maging nakalululang allowances ng mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCC).

“To disregard the interests of the students and the youth is a mortal sin to the next generation. Suspicious intelligence funds of agencies within the executive branch, AFP, PNP, and the immoral bonuses of GOCC executives – these are the budget that should be cut down, not the SUC budget,” paliwanag naman ni JV. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply