Pagkawala ng boses ni Nora Aunor kinumpirma

DAHIL wala pang boses si Nora Aunor, kinantahan na lang siya ng ex-boyfriend niyang si Juan Rodrigo sa Australia.

Kinumpirma ni Juan Rodrigo na tuluyan na ngang nawalan ng boses si Nora Aunor.

Kung noon ay ikinakaila pa ang paglalaho ng tinig ni Nora, ngayon ay ipinaalam ito ninuman kabilang ni Juan.

Nakausap namin si JR, palayaw ni Juan, sa isang exclusive long distance call samantalang siya ay nasa Sidney, Australia .

Ayon sa aktor at sa kanyang kasama na umayuda sa kanya sa telepono, Marso pa ngayong taong ito nang operahan si Aunor sa lalamunan.

Pero hindi hadlang ang kawalan ng boses ni Guy sa kanyang mga tinanguang pagtatanghal sa Melbourne, Brisbane at Sidney , Australia .

“Naku, sa maniwala ka’t sa hindi, kahit hindi kumanta si Guy, ang daming tao sa lahat ng venue namin. Tuwang-tuwa sila bastat makita lang si Nora,” pahayag ni Rodrigo na punumpuno ng katuwaan.
***
Isa si German Moreno sa mga kasama sa show at ito na lang ang nagpapaliwanag kung bakit hindi makakakanta ang Superstar.

Umawit din si German at ang kanyang pamangking doktor na si John Nite.

Hindi nagpahuli si JR at kumanta rin siya ng isang piyesang naisa-CD na niya bagamat hindi pa nailalabas sa merkado.

“Ang ginawa ko, kinantahan ko na lang si Guy. Tinabihan ko siya at kinantahan. Naku, tuwang-tuwa ‘yong mga tao,” kuwento ng aktor.

Matatandaan na naging magkasintahan sina La Aunor at Juan at namulaklak ang kanilang pag-iibigan.

Kaya para silang mga tin-edyer nang magkasama sila sa entablado sa Australia .

Nagpapagaling pa si Guy sa operasyon sa kanyang lalamunan.
***
Pagkatapos ng pagtatanghal ay dumiretso si Aunor sa Estados Unidos kung saan siya namamalagi ngayon.

Ayon sa kanyang masugid na tagahangang si Lito Sibonga, idinalangin niyang dumaan sana kahit konting oras sa Pilipinas ang kanyang idolo dahil lang naman anya ang Australia sa ating bansa pero pinili ng aktres na umuwi na lang ng US.

Si Juan naman ay nagpaiwan sa Australia dahil bibisita pa siya sa kanyang mga kaanak doon.

“Nandito sa Australia ang isa kong pamangkin kaya nagpaiwan na lang muna ako. Konting pasyal lang before I go back to the Philippines ,” pag-amin ni JR.

Nagbalik naman sa Pilipinas sina Moreno at John noong Martes dahil sa mga gawaing panshowbiz.
***
Samantala, imbiyerang-imbiyerna si Sibonga sa pagpailanglang nina Charice Pempengco, Arnel Pineda, Allan Pineda at iba pang Filipino na nagkakapangalan sa pagkanta sa ibang bansa.

“Kailan lang ba ‘yan si Charice? Nagkapa-chance lang na mabigyan ng break. Nagkaroon lang ng chance na sumikat ang isang kanta, gano’n lang ba ‘yon? ‘Yang Arnel Pineda na ‘yan, sino ba ‘yan?

“Samantalang si Nora Aunor ang Greatest Actress of our time. Nanalo na siya sa CNN ng Best Actress para sa ‘Himala’ at na-proclaim siya sa States na Best Actress. Hero rin si Ate Guy at talbog niya ‘yang mga Charice Pempengco at Arnel Pineda na ‘yan,” pagtatanggol ni Lito bilang marubdob na tagatangkilik ni La Aunor.
***
Itutuloy naman ni Juan ang promosyon ng kanyang CD kasama si Mari Nallos na alaga rin ng talent manager na si Nelia Lim.

“Pagbalik ko sa Pilipinas, puro trabaho na naman. Ipo-promote ko na talaga ang CD ko at the same time, mga taping ng soap opera. May mga small business din ako to look into,” pag-amin ni JR.

Hindi matatawaran ang pinagsamahan nina Rodrigo at Aunor dahil alam ba ninyo na ang dating driver ni JR ay siya na ngayong namamaneho sa pamilya ni Nora sa Pilipinas tulad na lang ng pagda-drive para sa kanyang bunsong kapatid na si Eddie Boy Villamayor. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply