Pagkuripot sa hudikatura inupakan ni Angara

KINUWESTIYON ngayon ni Senador Edgardo Angara ang napakaliit na pondong inilaan ng Palasyo sa Sangay ng Hudikatura  sa pag-aalalang maaaring makaapekto  sa daloy ng trabaho sa napakahalagang sangay ng pamahalaan.

Mababatid na mula sa orihinal na P27.1B budget, tinapyasan ito ng Department of Budget and Management nang mahigit sa kalahati kaya natira na lamang sa badyet ng Hudikatura ang kakarampot na P14.3-B.

Nagbabala si  Angara na  maaaring hindi maisakatuparan ang anumang binabalak na rehabilitasyon sa mga tanggapan nito.

Lubos din  maaapektuhan ang mga ipinagkakaloob na benepisyo sa mga empleado ng hudikatura, kabilang ang health allowances na posibleng mawalan ng pondo.

“Bakit ba natin pinahihirapan nang husto ang ating hudikatura? Matindi na ang kinakaharap nilang mga suliranin dahil kulang sila sa mga tauhan, kulang sila sa mga pasilidad dahil kulang na kulang ang ibinibigay nating pondo sa kanila, na ngayon ay mas pinaliit pa,” wika ni Angara.

Sinalungat din in Angara ang pahayag ng gobyerno na maaaring kumita ang mga korte mula sa filing fee revenues na ipinatutupad ng mga ito.

Nabatid na  bagaman  totoong kumikita ang hudikatura sa nasabing paraan, hindi naman ito sumasapat sapagkat kinakailangang maglagak din ang Korte Suprema ng kaukulang pondo para naman sa salary adjustments ng mga tauhan nito. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply