Pagpaplano ng pamilya sisimulan na

INAASAHANG lalo pang malulugmok sa kahirapan at lulubha ang dinaranas na taggutom sa bansa kung tuluyang hindi makokontrol ang populasyon.

Sa pinakahuling tala ng National Statistics Office (NSO), tinatayang lolobo pa ang populasyon sa 103 milyon sa taong 2015 sa Pilipinas.  Sa kasalukuyan, nasa 94 milyon na ang mga Pilipino.  Nasa 88.6 naman ang bilang nito noong 2007.

Umani ng reaksyon mula sa mga paring Katoliko ang naging pahayag ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino o PNoy habang nasa Amerika, na mamumudmod siya ng ‘contraceptives’ sa mga mag-asawang Pinoy bilang suporta sa lantarang pagsusulong ng kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill o Family Planning Program.

Aminado ang ilang opisyal ng Catholic Bishop of the Philippines (CBCP) na pangunahing humahadlang sa pagsusulong ng paggamit ng ‘artificial family planning’ gaya ng condom,  pills at iba pang contraceptives na   hindi na sila nagulat sa pahayag na ito ni PNoy dahil hayagan itong sinasabi noon pa mang  panahon ng kampanya bilang bahagi ng kaniyang plataporma.

Pabor ang simbahang Katoliko sa natural method gaya ng tinatawag na ‘rhythm’ at ‘abstinence’ o pagpipigil kahit gaano man ang panggigigl ng mag-asawa na magtalik.

Naninidigan ang CBCP na hindi mareresolba ang problema sa kahirapan sa pamamagitan lamang ng ‘contraceptive education.’  Mahigpit anila na ipinagbabawal ng simbahan ang aborsyon.

Sa isang press conference ilang araw bago bumalik ng bansa si PNoy mula sa isang linggong pagdalaw sa Amerika,  sinabi nito na responsibilidad ng gobyerno na ipaalam sa lahat ang mga responsibilidad na mapipiling opsiyon kaugnay sa pagpaplano ng pamilya.

“I believe the couple will be in the best position to determine what is best for the family, how to space, what methods they can rely on and so forth,” giit ni PNoy.

434 US dollar bilang ayuda ng Amerika sa Pilipinas:

Bahagi ng pagdalaw ni PNoy sa Amerika ay ang pagtanggap sa 434 US dollars bilang ayuda nito sa bansa.

Umani rin ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga malilikot ang isip kaugnay sa nasabing tulong ng Amerika.

Ayon kay Fr. Melvin Castro, executive director, CBCP Episcopal Commission on Family and Life, na maliit lamang aniya ang naturang halaga kung ihahambing sa tuluyang pagkawala ng ‘moral values’ ng mga Pilipino.  Tila naipagpapalit na daw ang kaluluwa ng mga Pilipino kapalit ng salapi na sinasabing tugon para maiahon sa kahirapan ang bansa.

Nanawagan naman si Sen. Pia Cayetano, Chairperson, Senate Committee on Health and Demography,  sa iba’t-ibang sektor na maging bukas ang isipan sa pagpabor ni PNoy sa  pagsusulong ng ‘contraceptives’.

Hiniling nito sa mga kritiko na tigilan na ang pag-uugnay sa naging paninindigan ni Pangulong Aquino sa naturang $434 million grant na ini-award ng  United States Millennium Challenge Corporation kamakailan.

“It would be unfair to link P-Noy’s stand to the Millennium Challenge grant because with or without it, family planning is an issue that is long overdue, and should be discussed in the open.”

“Reproductive health concerns cannot be ignored. It is high time that the Department of Health (DOH) pursues a policy that will allow all families, especially poor couples, to be educated about and have access to the family planning methods most appropriate to them,” added the senator, who is also a staunch advocate of women’s rights.

Nakatakdang makipag-usap si PNoy sa grupo ng mga lider ng simbahang Katoliko dahil sa panukalang pagpo-protesta hinggil sa lantarang pagsuporta sa Family Planning Program ng administrasyon nito.

Gobyerno sinisisi sa abortion deaths sa bansa

Nasa 1,000 kababaihan ang namamatay kada taon dahil sa iligal na aborsyon.  Halos umaabot naman sa 560 ang kababaihang Pinoy na nagbubuntis kada taon na humahantong sa pagpapalaglag o iligal na aborsyon at 90 dito ang nagdaranas ng ng mga kumplikasyon.

Ito ang nabatid mula sa talaan ng New York-based Center for Reproductive Rights (NYCRR) sa pagdalaw nito sa bansa  kamakailan.

Sinabi pa ni Melissa Upreti, legal adviser for Asis ng naturang Center na ang aborsyon ang isa sa 10 dahilan ng ‘hospitalization’ ng kababaihang Pinoy.

Nalalagay sa alanganin ang buhay ng isang babae lalo na kung siya’y biktima ng rape o ‘incest’.

Dahil kinokondena sa bansa ang aborsiyon, kaya napipilitiang dumaan sa mapanganib at masakit na paraan ng pagpapalaglag ang isang babae upang maligtas lamang sa kahihiyan kung nais nito na huwag ituloy ang pagbubuntis.

Kabilang sa ilang pamamaraan ng pagpapalaglag ay labis na pagmamasahe ng isang tradisyunal na midwife, pagsasaksak ng catheters at iba pang instrumento sa bahaya-bata, pag-inom at paggamit ng “Cytotech”, tabletas  na kilala sa pagpapalaglag at pag-inom ng mga halamang pampalaglag na ibinebenta sa mga lansangan.

Dahil dito, ipinanukala ng NYCRR na gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas na mahigpit namang tinutulan ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development Foundation, Incorporated (PLCPD) at ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Ramon San Pascual, PLCPD Executive Director, ang ligalisasyon ng aborsyon ay hindi angkop na tugon para maresolba ang ‘pregnancy-related deaths’ sa bansa.

Aniya, isinusulong ng PLCPD ang pagpasa sa Reproductive Health, Responsible parenthood and Population Development bill upang magkaroon ang mag-asawa ng ‘access’ sa legal at ligtas na pagpaplano ng pamilya upang mabawasan ang ‘unplanned pregnancies’ at bumaba ang insidente ng aborsiyon sa bansa.   Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply