Pagtaas ng pasahe sa MRT inalmahan sa Senado

TUTOL si Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa posibleng pagtataas ng pasahe ng Metro Rail Transit  mula P15 na tataas nang hanggang P44.

Ito ang naging reaksiyon kahapon ni Revilla, chairman ng Senate committee on local government, matapos na mapag-alaman nito ang plano ng Malacañang kaugnay sa pagtataas ng pasahe ng MRT para mapunan ang P7 bilyon subsidies.

Ayon sa senador, hindi nito hahayaan na tumaas ang pasahe sa MRT na aabot sa P44, na siyang magiging pasanin ng taumbayan.

Naniniwala si Revilla na malaki nga ang P7 bilyong subsidiya ng gobyerno subalit hindi dapat ipasa sa mamamayan ang pagtataas ng pasahe sa MRT at dapat itong imbestigahan sa Senado.

Giit  ng senador, mas makakabuti na tingnang mabuti at pag-aralan ng gobyerno  kung saan maaaring makakuha ng sagot sa problema na hindi papasanin ng taumbayan.

Iminungkahi rin ni Revilla na maari namang ipataw na lang sa Road Users Tax ang pagreresolba sa P7 bilyon subsidiya ng MRT para hindi maapektuhan ang mahihirap na umaasa sa murang pasahe sa MRT. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply