Pagtapyas sa badyet ng Hudikatura, ilegal – Chiz

MALAKI  ang paniniwala ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na illegal at walang karapatan ang Department of Budget and Management (DBM) na tapyasin ang badyet ng Hudikatura mula sa hinihingi nitong P27.41 bilyon tungo sa P14.1 bilyon.

Sa panayam, sinabi pa ni Escudero na kailangan nang magpakumbaba ng Office of the President sa Supreme Court upang maiwasan ang namimintong krisis konstitusiyunal sa pagbabanta ng Hudikatrua na magsagawa ng malawakang pagliban o mass leave.

“Sa usaping teknikal, naniniwala akong walang karapatan o kapangyarihan ang DBM na magdesisyon nang ganito sa kanilang sarili lamang. Magkapantay na sangay ng gobyerno ang executive at judiciary. Sa bandang huli, papasok pa rin ito sa Kongreso. Maiiwasan sana ang ganitong sitwasyon kung nagkaroon ng diyalogo o kaya pina-abisuhan sila hinggil sa pagbabawas ng panukalang badyet,” ayon kay Escudero.

“Hindi kasi sila kinonsulta sa pagtatapyas,” ayon pa kay Escudero.

Sinabi ni Escudero, dapat makipag-usap na kaagad ang Palasyo sa SC sa lalong medaling panahon upang mapigilan ang umiinit na pagrerebelde ng mga hukom na magsasagawa ng mass leave na siyang magpapalumpo sa sistema ng katarungan.

“While I do not agree with our judges on their threat of a mass leave from courts to stress their point, it is wise that these co-equal branches sit down now and thresh out the issue. This is a tricky matter given the legal and constitutional dynamics that surround it,” giit ni Escudero.

Ayon kay Escudero, mukhang hindi naiintindihan o nalalaman kundi man binalewala lamang ng DBM ang desisyon ng Supreme Court noong Mayo 4, 2010 na pinal at dapat ipatupad na nag-uutos sa DBM na magpalabas kaagad ng Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation (NCA) na sasaklas sa kakailangang pondo para sa pagtataas ng sahod na pinayagan sa ilalim ng EO Nos. 611, 719 at 811 para sa lahat ng hukom at opisyal ng Hudikatura.

“There goes the trouble. The SC said DBM should release the funding but DBM says charge it to your Judiciary Development Fund (JDF) and the Special Allowance for the Judiciary (SAJ),” aniya. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply