PAL at FASAP, deadlock pa rin

WALANG naganap na  konkretong kasunduan ang Philippine Airlines (PAL) at grupo ng mga Flight Attendants’ and Stewards’ Association of the Philippines sa ika-apat na araw ng conciliation talks.

Sinabi ni FASAP vice president Andy Ortega, patuloy pa rin sa pagmamatigas ang pamunuan ng flag carrier ng bansa sa sinasabing “unreasonable retirement age policy” ng kompaniya.

Ayon kay Ortega ipagpapatuloy nila ang planong protesta laban sa PAL dahil sa walang kabuluhan nitong pagsusulong upang igiit ang retirement age ng flight attendant sa 45-anyos.

Ang pag-aakalas nila ay maaaring isasakatuparan sa katapusan ng Oktubre at unang linggo ng Nobyembre, ito  ay depende sa mandato ng cooling-off period at magaganap na botohan sa gaganapin pagtatakda sa araw nang pag-aakalas.

Pero sa panig ng flag carrier, umapela naman si PAL President Jaime Bautista sa FASAP na maging “flexible” sa kanilang mga demand dahil sa ginagawa naman ng kompaniya ang lahat para maresolba ang labor issues. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply