PAL employee todas sa pamangkin ng kongresman

NAMATAY ang isang empleyado ng Philippine Airlines (PAL) makaraang mabundol ng sasakyan ng pamangkin ni Cong. Dy, kahapon ng umaga, sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Binawian ng buhay dakong alas-6:00 ng umaga habang nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros Hospital ang biktimang si Ariel Vicente Cruz, 44, customer service agent ng PAL, residente ng 197 CF Tuazon st., Pateros.

Naaresto naman ang suspek na kinilalang si Bernard Lamadrid Dy, 33, residente ng  7 Nightingale st., Greenmeadows subd., Quezon City na pamangkin ni Isabela Representative Napoleon “Pol” Dy.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jeffrey Saguran ng Taguig Police Traffic Enforcement Unit, papasok na sa kanyang trabaho sa PAL ang biktima sakay ng motorsiklong may plakang TS-9950 dakong alas-2:13 ng madaling araw at

Tinatahak ang Lawton ave., malapit sa Marines and Navy headquarters Fort Bonifacio nang sumulpot ang kotseng Toyota Camry na minamaneho ng suspek.

Lumabas sa imbestigasyon, sinalungat ni Dy ang daloy ng trapiko sa pagmamadaling makauwi kaya nasalpok nito ang motorsiklong sinasakyan ng biktima na nasa tamang lugar.

Napag-alaman na Numero 8 ang plakang nakalagay sa harapan ng kotse ni Dy at ZKZ-625 naman ang nakalagay sa gawing hulihan ng sasakyan kaya inaalam pa ng pulisya kung kanino naka-rehistro ang sasakyan.

Tiniyak naman ng suspek na hindi niya tatakbuhan ang responsibilidad at pananagutan kung ano man ang kasong isasampa laban sa kanya. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply