Pamangkin itinurong pumatay sa babaing isinilid sa bag

NALUTAS na ng mga elemento ng Caloocan City Police ang pagpatay sa isang biyuda na pinagkasyang isilid sa traveling bag nang madakip ang pamangkin nito, sa Caloocan City.

Sa ipinarating na ulat ni Chief Inspector Rodrigo Soriano,  kay Sr. Supt. Jude Wilson Santos,  si Ruby Imperial, 23, ng Block 1, Lot 9, Good Harvest Subdivision, Camarin ng nasabing lungsod, ang itinuturong pumatay sa tiyahing si Neria Salapang, 29, biyuda.

Ayon kay Soriano, bandang alas-2:00 ng hapon nang arestuhin ng mga tauhan ng mga awtoridad si Imperial sa bahay na ipinapagawa ni Salapang sa Bagumbong, Caloocan.

Naging malaking ebidensiya ang testimonya ni Angel Dian, 6-anyos, anak ng biktima, na noong September 22, bandang alas- 6:45 ng gabi, nakita niya si Imeprial na nilalabhan ang duguang suot na damit nito pati ang bed sheet ng ina, Dagdag pa ang statement  ng pedicab-driver, na naka-amoy  ito ng masangsang na amoy mula sa tinutuluyan ng biktima.

Idinagdag pa ni Soriano,  isang araw pagkatapos patayin ni Imperial si Salapang, isinanla nito ang mga alahas ng tiyahin at nakapag-withdraw na rin sa bangko, gamit ang ATM card ng biktima

Nakakuha ng malaking halaga kaya nakapagpagawa ng bahay si Salapang nang mamatay ang asawa nitong seaman sa abroad may ilang buwan na ang nakalilipas.

Malamang na natukso si Imperial sa pera ng tiyahin kung kaya nagawa niya itong patayin.

Kasong murder and theft ang kinakaharap na asunto ng suspek.  Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply