Pambansang utang papatungan ng P309B

SA HALIP  na mabawasan, nakatakda pang madagdagan ang pambansang utang ng tinatayang P309 bilyon para sa taong 2011 para maipasak sa  kakapusan ng badyet.

Kahapon inihain ng ilang matataas na opisyal ng Aquino administration ang panukalang P1.6 trilyong pambansang badyet sa pangunguna ni Budget and Management Sec., Florencion Abad, Finance Sec. Cesar Purisima at NEDA director-general Cayetano Paderangga.

Base sa dokumentong inihain ng fiscal officials,  nakaangkla ang pambansang badyet sa mahusay na pamamahala, serbisyong panlipunan, serbisyong pang-ekonomiya at matatag at ligtas na kapaligiran.

Base sa panukalang inihain ni Abad, mababawasan ang depisit mula sa dating P325 bilyon tungo sa P290 bilyon o 3.2 percent ng gross domestic product (GDP).

Ngunit, kailangan manghiram ng pondo ang bansa upang punan ang naturang kakulangan ng badyet sa pamamagitan ng pangungutang ng P257.3 bilyon mula sa domestikong panggagalingan (83.9%) at P49.5 bilyon sa dayuhang pangungutang (16.1%).

“Deficit for 2011 will decrease4 to P290 billion or 3.2% of GDP, lower thant the 201 budget deficit of P325 billion. This will be financed by P257.3 billion of domestic borrowings and P49.5 billion of foreign borrowings,” ayon kay Abad.

Bukod  sa pangungutang ng naturang halaga, nakatakda naman magbayad ang bansa ng halagang P372.1 bilyon bilang automatic appropriations sa debt service partikular ang halagang P357.1 bilyon pambayad sa interes ng inutang ng bansa at P15 bilyon naman para sa net lending o pangungutang upang ipambayad sa utang.

Inihayag din ni Abad sa Senate committee on finance na susuportahan ang pambansang badyet para sa 2011 ng P1.41 trilyong kikitain ng pamahalaan. Sa naturang halaga P1.27 trilyon o 90% ang magmumula sa makokolektang buwis at kukunin naman ang nalalabing P137.2 bilyon sa non-tax sources tulad ng fees at charges, kita at foreign grants. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply