Panahon nang tiktikin ang kalawang sa Ombudsman

PANAHON nang ibalik ang Office of the Ombudsman sa dapat nitong kalagyan – bilang bantay ng bayan laban sa mga kawatan at abusado sa pamahalaan.

Panahon nang durugin ang imeyds nitong laruan at tagatago lang ng kabulukan at pang-aabuso ng mga onorabol.

Kaugnay ito, Suki, ng kasong impitsmen na umuusad na sa Kamara.

Idineklara nang sufficient insubstance ng Kamara ang kasong impitsmen laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

In ader words, may ebidensiya upang isalang sa pag-uusig o impitsmen si Gutierrez.

Ang susunod diyan, Suki, ay bibigyan ng pagkakataon si Ms. Ombudsman ng tsansa o pagkakataon na sagutin ang mga paratang sa kanya.

Kung masasagot niya nang matino ang mga paratang o hindi ay nasa kongresmen na yan.

Pero batas at ebidensiya ang iiral at tiyak na ito ang magiging batayan ng mga pro at anti impitsmen sa Haws Komisyon on Dyastis sa pag-aangat o hindi ng kaso sa plenaryo.

Sa plenaryo ng Kamara o pangkalahatang miting pagbobotohan kung iaakyat sa Senado ang kaso at ang mga senador ang magiging huwes, kasama ang Chief Justice  bilang pinuno.

Kung sisibakin si Ms. Ombudsman ng mga huwes o hindi ay walang nakaaalam.

oOo

Sa pagsubaybay natin sa Office of the Ombudsman, tila hindi ito gaanong gumagana laban sa mga malalaking buwaya dahil parang hawak nila ito sa leeg.

Mabagsik lang ito sa mga ismol taym na katulad ng pulis na si S/Insp. Rolando Mendoza.

Por eksampol, nakita na ba ninyong umubra ito laban sa mga kalokohang nagaganap noong panahon nina Tita Cory, Tabako at Gloripie?

Wataymen, laban sa kawatan at abusado sa mga panahong iyon!

Tanging kay Erap lang ito umubra kahit na mas malalaki ang nakawan at kurakutan sa iba?

Pero alam ng lahat na walang binatbat ang P4B na iskam na isinampal nito kay Erap kumpara sa iskam ng Kamag-anak Inc., sa PEA-Amari deal, Fort Bonifacio deal, Purchased Power Adjustment sa kuryente, ZTE-NBN deal con Northrail at Napocor-PSALm deals.

Naganap ang mga iskam na ito noong panahon nina Tita Cory, Tabako at Gloripie.

Sa mga kasong ito naging klaro na tila nagiging laruan na lang o tagatago ng kabulukan ang Ombudsman.

Kaya naman, marami na ang nagsasabing walang nang kuwenta ang Ombudsman dahil nagiging tsutsu o makapili kay Juan at tuta ng mga Herodes at Pilato.

oOo

Kung saka-sakali, magiging warning shot sa Ombudsman ang kasong impitsmen ngayon.

Kung hindi nito ayusin ang sarili at ipagtanggol si Juan sa mga kawatan at abusado, tiyak namang lagi itong babagyuhin at babahain ng mga reklamo.
Hindi lahat ng pagkakataon ay takot ang iba na kaladkarin at litisin ito sa timbangan ng katarungan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply