Pangongotong sa OFWs inalmahan

Isang uri umano ng pangongotong sa mga overseas Filipino worker  na planong bumisita sa kani-lang mga kaanak sa ibang bansa ang inilabas na bagong panuntunan ng Bureau of Immigration.

Ayon sa Migrante International, lagi na lang ginagawang gatasan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang mga OFW na tinatagurian pa namang mga bagong bayani lalo na kapag sasapit ang panahon ng Kapaskuhan.

Batay sa bagong panuntunan ng BI na sinimulan noon pang Agosto 14, lahat ng OFW sa United Arab Emirates ay kailangang magdeklara ng sponsorship o magtataguyod sa kanila bilang pagpapatibay na may dadalawin silang kaanak sa pupuntahang bansa.

Ang lahat ng mga katibayan na gagamitin ng mga OFW ay kinakailangan pang ipa-notaryo sa Philippine Consulate General sa Dubai na may katapat na pagbabayad ng katumbas ng halagang P1,000.

Ayon sa Migrante, maliwanag na isang uri na naman ito ng pangungulimbat sa pinaghirapang kita ng mga OFW na nais lang na makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa sa panahon ng Kapaskuhan.

Idinepensa naman ni Consul General Benito Valeriano ang naturang panuntunan at sinabing wala silang hangad na kotongan o kulimbatin ang kinikita ng mga OFW at ang tanging layunin lang ng bagong panuntunan ay mabigyan ng proteksyon ang mga Pinoy laban sa iligal na aktibidad tulad ng human trafficking. Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply