Panliligaw ng Smartmatic exec kay Ruffa, itinanggi ni Annabelle Rama

Sa estado ni Ruffa Gutierrez sa showbiz at kahit ina ng two cutie girls pero kung tratuhin siya  ni Annabel Rama ay siya pa rin si Rufingfing during Regal days.  Major, major kung binabara ni Bisaya tulad nang nangyari sa Paparazzi na ikinagulat ni Ruffa ang pambubuking nito na hindi siya nililigawan ni Cesar Flores.  “How did you know?!” reak agad ang Rufingfing.

Ayon kay Bisaya, hindi puwedeng magkaroon ng lovelife ang anak dahil base sa fung shui, it’s a bad year for her to fall in love.  Hindi magiging successful at mauuwi rin sa wala kung magkaroon ito ng relationship.

In fairnes, boto si Bisaya kay Cesar at aniya, “Gusto ko siya para kay Ruffa kasi disente naman siya kausap, sa amin ni Eddie.  Saka, may sarili siyang trabaho, may business kaya niyang papakainin pati ang mga anak niya pero ang problema hindi pa siya nanliligaw kay Ruffa.”

Ang pinaka-issue sa pag-guest ni Annabel sa Paparazzi ay para linawin ang alitan nila ni  Angeli Pangilinan na nag-ugat sa unsolicited advice ng huli kay Ruffa.  Hindi natanggap ni Bisaya ang pagkumpara ni Angeli kay Ruffa kay Gretchen Barretto.

Sinabi daw ni Angeli na bakit ipinagalaw ni Ruffa ang kanyang ilong at check bone kaya tuloy naging kamukha na ito ni Greta.

“Hoy, I’m sorry Angelie, ang kilay ni Gretchen, hindi kumikibo.  May ibig sabihin noon eh, nagparetoke si Gretchen, nagparetoke rin ng mukha si Ruffa.  I’m sorry Angeli, kailangan ikaw ang magparetoke sa  ilong mo nakadapa.”

Inamin ni Bisaya na wala pa silang closure ni Angeli sa isyu.  Wala naman magiging problema kung magso-sorry sa kanya ang better-half ni Gary V, tatanggapin niya at kailangan, mag-sorry din ito sa kanyang anak na si Ruffa.

“Angeli, sana magpakabait ka.  Huwag ka na maninira sa kapwa.  Kung sino ‘yung magparetoke ng mukha, hayaan mo na sila, pera naman nila at gustong gumanda. Pabayaan muna ang taong gustong magparetoke.”

Iba na talaga ang level ni Annabel dahil napasama na siya sa level nina Direk Joey Reyes, Ryan Cayabyab, Direk Augie Mora at Raymond Isaac bilang hurado ng Star Factor, isang bagong star seach ng TV5.

“Sa first taping ay nakita kong puro mga sikat lahat, kaya go ako dyan kasi sikat lahat sila. At least ang pangalan ko tataas naman di ba? Kasi matataas ang mga judge di ba?” Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply