Paraan ng pag-iwas sa dengue ipaaalam sa mga estudyante

IPINAG-UTOS kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa city health department na magsagawa ng “information campaign” sa mga pampubliko at pampribadong paaralan sa buong lungsod kung paano makakaiwas sa sakit na dengue.

Ayon kay Echiverri, sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga estudiyante kung paano makakaiwas sa sakit na dengue ay madali nang maipakakalat ng mga ito sa kanilang mga kaanak at kalugar ang mga tamang gawain upang malabanan ang nasabing sakit.

“Ang paaralan ang siyang itinuturing na institusyon na nagbibigay ng kaalaman sa mga estudiyante kaya’t sa pamamagitan ng pagbisita ng mga kinatawan ng city health department sa mga eskuwelahan ay madaling matututo ang ating mga mag-aaral sa mga tama at dapat gawin kung paano makakaiwas sa sakit na dengue”, paliwanag ng alkalde.
Sa rekord ng Department of Health (DOH) na inilabas noong August 14, umaabot na sa 54,659 ang mga naitalang kaso ng dengue sa ating bansa kung saan ay 429 sa mga naging biktima nito ang sinawing-palad na masawi.

Kasabay nito, ipapaalam din sa mga estudiyante ang mga sintomas ng nasabing sakit nang sa gayon ay agad na maagapan ang paglala nito sa pamamagitan ng pagtungo sa pinakamalapit na pagamutan.

Ipatutupad din ng lokal na pamahalaan ang kampanya ng DOH na 4’S na ang ibig sabihin ay search and destroy; self protection measures; seek early consultation at say “no” to indiscriminate fogging.

Nakasaad pa sa talaan ng DOH na ang sakit na dengue ay kadalasang lumalaganap pagsapit ng panahon ng tag-ulan kung saan ang kadalasang nagiging biktima nito ay mga nasa edad na 1 hanggang 20-taon.

Kasabay nito, patuloy pa rin ang iba pang programa ng pamahalaang lungsod laban sa sakit na dengue habang patuloy na minomonitor ng health department ang bawat barangay upang maagapan ang mga residente na magkakaroon ng lagnat.

MATINDING TOROHAN SA GEORGETOWN CLUB

Sadyang matindi ang lakas ng loob ng may ari ng Georgetown club na dating Parkway club diyan sa Mindanao Ave., Bgy. Baesa, Novaliches, Quezon City.

Walang ginagawang aksiyon si Mayor Herbert Bautista sa kausangan ng nasabing club.

Hindi nga lamang hunaran ang mapapanood kundi totohanang yarian ng isang lalaki at babae sa stage.

Ang sabi, binibigyan pa raw ng proteksiyon ng hepe ng CPD Station 4 ang club na ito kaya hindi basta-basta kayang tinagin.

Malaki ang ibinibigay daw na payola ng club na ito sa ilang tiwaling opisyal ng PNP saka mga local na nanunungkulan sa pamahalaan.

Dahil kung hindi, magagawa nga ba nila ang kababuyang iyon sa kanilang lungsod.

Hindi lang natin malaman kung nabubukulan ditto si Mayor Bistek, mga kasangga?

Magkano ba naman talaga ang hatagan diyan, mga kasangga?

Kumilos ka naman, yorme. Huwag mong sayangin ang pagboto sa iyo ng inyong mga kababayan.

Ups! Iba na pala ang kolektor sa sugal lupa ng NCRPO! Abangan sa susunod!

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa paligid ay maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply