Bagitong parak patay sa sariling baril

BALA ng sariling baril ang tumapos sa buhay ng isang bagitong pulis na nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion ng Regional Police Office 4-A matapos aksidenteng pumutok habang nililinis niya ito, na tumama sa ulo, sa Brgy.Sta.Cruz,  Antipolo City.

Agad na isinugod sa hospital subalit ilang oras pa lamang ay namatay na rin si PO1 Redentor Somera, 29anyos, may-asawa, residente ng 113-A Kamias st., Brgy. Sta. Cruz bunga nang tinamong tama ng balal sa sentido ng ulo.

Sa ulat kay Sr. Supt. Manuel Cesar Prieto Rizal ang insidente ay naganap dakong alas-2:10 ng hapon habang ang biktima ay naglilinisng service fire arms na kalibre .45.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya kung may naganap na foul play sa nangyaring insidente. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply