Paslit nalunod sa swimming pool

NAMATAY ang isang batang babae matapos malunod sa swimming pool ng kanilang kapitbahay, sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Cordero Medical Clinic si Monina Gadin, 6-anyos, ng 3rd Avenue, ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang makita ang biktima na nakalutang sa swimming pool ng kanilang kapitbahay.

Nabatid na  bago ang insidente ay niyaya ang bata ng kanyang mga pinsan na maligo sa pool, subalit makalipas ang ilang oras ay nag-uwian na ang magpipinsan subalit hindi namalayan na wala na ang biktima.

Sa salaysay ng caretaker ng swimming pool na si Jennifer Pangan, nakita na lamang niya ang bata na nakalutang  na sa tubig at walang malay na naging dahilan upang humingi ng tulong na madala ito sa pagamutan. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply