Paslit napisak sa sasakyan

NASAWI sa pagamutan ang isang batang babae matapos mahagip  at gulungan ng sasakyan, sa Quezon City.

Kinilala ng pulis trapiko ang biktimang si Emmanuel Egia, 4-anyos, ng No.12 Tarlac st., Luzviminda Village, Batasan Hills, Quezon City.

Hinidi na umabot ng buhay ang bata nang isugod sa General Malvar Hospital bunga ng tinamong matinding pinsala sa katawan at ulo nito, kusa namang sumuko ang akusado na si Alfredo Tan, 58, driver ng Izuzu D-Maz ZEL-171  at rsidente ng 33 Timog Ave., ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni SPO1 Edgardo Talacay ng Traffic Sector 5, naganap ang insidente dakong ala-1;10 kamakalawa ng hapon,  sa Tarlac st., Luzviminda Village, Brgy. Batasan Hills.

Sa salaysay ni Tan, galling siya sa talyer  at nang papaalis na sakay ng minamanehong sasakyan ay hindi napuna na naglalaro ang bata kung saan nahagip niya at nagulungan ito.

Pansamantalang nakapiit sa  detention cell ng Traffic Sector ang akusado makaraang sampahan ng kasong Reckless  Imprudence  Resulting to Homicide. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply