Paslit nasawi sa sumabog na fuse ng Meralco

DEAD on arrival sa ospital ang isang batang babae makaraang tamaan ng pira-pirasong bakal mula sa sumabog na fuse sa poste ng Meralco, sa Quezon City.

Ang biktimang idineklarang patay na nang dumating sa Novaliches General Hospital ay kinilalang si  Janly May Buenaobra, nakatira sa Brgy. Gulod, Novaliches.

Nabatid  sa isinagawang eksamen, nakuha sa katawan ng biktima ang isang matalas na bagay malapit sa puso nito.

Lumitaw sa pagsisiyasat, na ang biktima ay kasama ng tiyahin nito na naglalakad sa Villarial st., ng nasabing barangay, nang maganap ang malakas na pagsabog ng nasabign poste.

Ayon sa tiyahin ng biktima na si Janice, nabigla siya sa nasaksihang pangyayari nang makita ang pamangkin na duguan na nakahandusay sa kalye at patuloy ang pag-agos ng dugo sa dibdib nito.

Kaagad na isinugod ang biktima sa  pagamutanang bitkima subalit huli na para isalba ang buhay ng bata.

Hihilingin naman ng magulang ng biktima sa kompanya ng Meralco na matulungan sila sa pinansyal na pangangailangan para sa burol ng anak.

Sinabi rin na madalas ang ganitong pangyayari dahil na rin sa mga ilegal na koneksyon ng kuryente sa kanilang lugar. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply