Paslit todas sa baril ng itay na parak

ALBAY-Patay ang walong taong gulang na batang lalaki nang aksidenteng pumutok ang pinaglalaruan nitong baril ng kanyang amang pulis.

Kinilala ang biktima na si Gabriel Christian Dolor, residente ng Barangay Sabang sa Naga City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-2:00 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng pamilya Dolor.

Nabatid na nakita ng bata ang kalibre .45 ng kanyang ama at naisipang paglaruan ito.

Nilagyan pa umano nito ng bala bago itinutok sa kanyang ulo ang baril ngunit aksidenteng nakalabit nito ang gatilyo na dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa ulat ng mga awtoridad, natuklasan na nang mag-off duty ang ama ng paslit ay iniwan nito ang kanyang service firearm sa bahay upang hindi lumabag sa pinaiiral na gun ban. Gayunman, posible umanong hindi naitagong mabuti ng ama ang baril kaya nahalungkat ito ng kanyang anak. Evelyn  Garcia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply