Patakarang bulok sa GSIS dapat nang baguhin!

ISANG liham ang natanggap natin mula sa isang Government Service and Insurance System member at kanyang pinabubusisi ang masamang patakaran ng ahensiya sa pag-iistima ng  mga matatandang pensyunado.

Tingnan n’yo, kung tama ang ginagawa ng tinamaan ng lintik na GSIS sa mga matatandang pensyunado na kahit uugod-ugod o naka-wheel chair ay sapilitan na pinagrereport ng mga ito.

Dapat sigurong baguhin ni GSIS President and GM Robert Vergara ang bulok na patakarang ito na minana ng mga taga-GSIS sa dating hepe ng nasabing ahensiya.

Mr. President and GM Vergara, heto ang liham ng mga pensyunado.

Sir Johnny, matagal na akong sumusubaybay sa in-yong kolum sa inyong dyaryong Remate kaya naisip ko na kayo ang makatutulong sa problemang ito. Pakibusisi niyo nga itong masamang patakaran ng GSIS na pinagrereport pa nang personal ang mga matatandang pensyunado para lang i-activate ang kanilang mga E-card upang matanggap ang kanilang monthly pension.

Kung makikita nyo lang ang mga matatandang pensyunado na nagre-report  sa GSIS Office na naka-wheel chair na tulak-tulak ng mga matatanda ring kamag-anak ay maaawa ka lalo pa’t sa lalawigan pa nanggagaling.

Sa laki ba naman ng institution na ito ay wala silang investigation team o unit na maatasang siyang bumisita sa mga pensyunadong may edad 75-80 pataas. Sana naman mabigyan ng kalutasan ang problema na  matagal na ring hindi binibigyan ng pansin ng mga kinauukulan.

Sana sa pamamagitan ng kolum nyo Sir Johnny ay mabigyan ng lunas ang  problemang ito.

Sana rin ay magising na rin at maaksyunan ito ng bagong GSIS boss.

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 091892-74764,09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply