Pati ba naman sa pag-tag ng bangkay palpak din?

EWAN ko ba kung ano na ang nagaganap sa ating mga parak.
Pati ba naman ang pagta-tag o pagkilala at pagmamarka ng mga bangkay ng tatlo sa walong namatay na Chinese sa hostage-massacre sa Luneta ay may pagkamali rin.

Yun bang === nagkapalit-palit ang ngalan at pagkakilanlan ng mga bangkay.

Paano natin matulungan na isalba ang imahe ng mga pulis sa kapalpakan?

Karugtong ito, mga Bro, ng pagbabato at pagpapasabog nila ng tear gas sa loob ng bus na hindi nila mapasok-pasok dahil nakalimutan daw nila ang magdala gas mask.

Hindi rin nila maakyat ang bus dahil wala silang hagdan. At hindi nila alam kung paano ang magbukas ng bus sa oras ng emergency.

Ngayon ay nagtuturuan sila kung sino dapat ang may sala sa palpak na rescue operations hanggang sa ang kanilang mga hintuturo at hinlalaki ay sa ibang tao na nakaturo.

Apektado tuloy ang buong bansa at hindi na lang tayo pinagtatawanan sa kapalpkan kundi isinusuka.
Tingnan ninyo, dumarami ang mga overseas Filipino worker na tinatanggal sa trabaho sa Hong Kong at pinaiiwasan ang Pinas ng ibang mga bansa bilang sentro ng turismo.

Tsk! Tsk! Tsk! Marami pa tayong kakaining kakanin at bigas bago natin makuha ang respeto at pagtitiwala ng iba.

Paano kaya natin ngayon pagtulung-tulungang ibangon ang dangal ng kapulisan at ang Pinas?

PARAK PATONG SA ILIGAL TERMINAL

Chief PNP at HPG, pakiimbestigahan naman ang isang police ninyo na si Rizaldy Medalla sa pagsasagawa nito ng patong sa mga illegal terminal ng mga van at jeep sa Pasay, Bicutan, Sucat at Alabang.                 0917551

PAGING SPEAKER SONNY BELMONTE

Cong. Belmonte, karamihan ay gustong matuloy ang eleksyon sa barangay, matagal nang nagtitiis ang mga barangay na may korap na opisyal. Sana magpa-survey sila para malaman nila na talagang gusto ng karamihan na ituloy ang election.                      0921427

TRAYSIKEL PATAY SA BUS

Isa akong miyembro ng Achrotoda sa Chrysanthemum Village, San Pedro, Laguna. Hindi ako namamasada ng tricycle na may biyaheng Pacita dahil halos wala nang kinikita ang mga driver, kasi isinasakay na ng mga bus na biyaheng  LRT Buendia at Cubao na dumadaan sa Southwood Exit ang mga pasahero.                        0915683

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply